Chapter Five

1.2K 34 1
                                    


[Chapter Five]

"She's my business. Got a problem with that?"

Halos isang minuto silang nagtatapon ng masamang tingin sa isa't-isa. Kung hindi pa gumalaw si Emerald ay hindi mapuputol ang tingin nila. Si Saige na mismo ang nagbuhat kay Emerald papasok sa kotse niya. Nakasunod lang ako sa kaniya habang tinatanaw pabalik ang nakapamulsang si Porsche.

I didn't even say a proper goodbye.

Tumigil kami sa harapan ng isang itim na Range Rover. Ako na ang nagbukas ng backseat para doon pagpahigain si Emerald. Nilingon ako ni Saige na nakakunot ang mga noo.

"Ano'ng ginagawa mo dito at ganiyan pa ang suot mo?" may inis sa tono ng pananalita niya.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo n'yan?"

Hindi niya ako sinagot bagkus ay binuksan niya ang pinto ng passenger seat. Mabilis akong pumasok at agad na tinignan ang kalagayan ni Emerald. She's really drunk. Pulang-pula na ang buong mukha niya.

I adjusted her seat belt so that she will not fall. Hinihiling ko lang sana na hindi siya magsuka sa loob ng kotse.

Pumasok na rin si Saige kaya umayos ako ng upo at tahimik na tumingin sa bintana. Bumalik sa isip ko ang naging sagutan nila ni Porsche kanina. Binuhay ni Saige ang makina at pinaharurot ito.

"Magkakilala ba kayo ni Porsche?" tanong ko. Seryoso ang tingin sa kalsada at mukhang wala akong balak na sagutin.

"Next time, don't go to the parties alone. Kung mag-aaya ulit si Emerald ay sabihan mo ako, you don't know what dangerous things could happen to you."

Hindi na ako nagsalita at pinasadahan na lang ng tingin ang oras mula sa phone ko. It's past nine... maaga pala kaming umalis...

"Nagugutom ka ba?" bigla niyang tanong. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang convinience store at tinignan ako.

"Medyo.." nahihiyang sabi ko. He glanced at my friend before taking out his seatbelt.

"Wait here, bibili lang ako ng pagkain tsaka gamot." tango lang ang isinagot ko. Sinundan ko ng tingin ang bulto ni Saige papasok sa loob. May mga iilan na napapatingin sa kaniya pagkapasok niya.

Narinig kong gumalaw si Emerald sa likod at nagsimulang magsalita ng mag-isa. Napailing na lang ako. If Maxie finds out she's drunk again, sigurado akong makakatikim 'yun ng kurot sa pinsan niya.

Hindi nagtagal ay bumalik si Saige bitbit ang isang gamot at tubig tsaka dalawang cup noodles. I murmured 'thank you' to him.

Tahimik lang akong kumakain nang bigla siyang magsalita. "Would you mind if I turn the music?"

"Sige lang." sagot ko sa kaniya. I don't know why I feel uncomfortable. Siguro dahil ay nahihiya talaga ako sa kaniya dahil siya pa ang maghahatid sa amin pauwi.

Nilabas niya ang phone niya at naghanap ng pwede ipatugtog ko. The intro of the song hovered around the car. Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa pamilyar na tugtuging iyon.

Now playing: Mundo by IV Of Spades

"You like IV Of Spades?" tanong ko. Tumango siya sa akin bilang tugon. Biglang tumunog ang phone ko. Nilapag ko muna ang cup noodles bago ko tinignan ang nagpop na reminder.

Olivia's Death Anniversary.

Sandali akong napatitig sa phone ko. Mukhang napansin naman ni Saige ang pamumutla ko. I swallowed hard. Napahigpit ang pagkahawak ko sa phone ko.

"Hey, what's wrong?" binalingan niya ako ng tingin. Mabilis kong hinubad ang seatbelt ko  at nanghihinang lumabas ng kotse. Agad kong nalanghap ang malamig na hangin. Sinubukan kong maglakad ng maayos pero nanghihina ang tuhod ko.

"Be careful." hindi napansing sumunod pala si Saige. Maingat niya akong inalalayan pero tinabig ko ang kamay niya. "I-i'm fine.."

I'm still affected in my friend's death. I've felt so guilty about it, pinipilit kong kalimutan ang nangyari, pero sa tuwing dumadating ang araw ng pagkamatay niya ay nawawalan ako ng hangin.

Bumuhos ang luha ko at paulit-ulit na hinahampas ang dibdib. "I'm s-sorry.." that's all I can say to her. Kung may magagawa lang sana ako para makabawi, pero wala eh... she's already dead.

"Stop, you're hurting yourself.." sinasalo ni Saige ang mga palo ko sa sarili ko. Umangat ako ng tingin sa kaniya. "A-alam mo ba kung bakit ako ang dahilan ng pagkamatay niya?"

Saige shushed me. "It's not your fault."

Kumapit ako sa jacket niya na nangangatal ang mga kamay. "O-our classmates pranked her. I-i didn't know that she was allergic to alcohol... s-she had a seizure.. I tried to save her.. I t-tried.."

"A-ako agad ang pinagbintangan nila dahil ako ang nagbigay sa kaniya ng alak.." sinalubong ko ang mga mata ni Saige. "Y-you should hate me.. mamamatay tao ako.."

Hinawakan niya ang pisngi ko. "No, you're not. Hindi mo kasalanan ang nangyari kaya wag mong sisisihin ang sarili mo."

He managed to calmed me down. Tahimik niya akong inalalayan pabalik sa kotse. Doble na ang hiya ko kay Saige. This is the second time he witness me cry.

"Are you sure you're okay?" maagap kong pinunasan ang luha saka tumango. "A-ayos lang ako. Ihatid mo na lang kami sa LaSalle Suites."

He nodded, but seem unconvincing. "Okay.."

Tahimik lang kami buong byahe. I wanna rest right now. Gusto kong pagpahingahin ang isip ko. I'm so drained right now. Should I go to my therapist again? I might not be able to sleep tonight, binabagabag na naman ako ng konsensiya ko.

Iinom na lang siguro ako ng sleeping pills mamaya.

"Dito na.." ani ko nang matanaw ang apartment na nirerentahan ko. Siya na rin ang nagboluntaryong magbuhat kay Emerald. Mabilis kong hinanap ang susi ng bahay at pinagbuksan siya ng pinto.

"Sa kama mo na lang siya ihiga." wika ko. Saglit niyang pinagmasdan ang apartment ko bago tumingin sa akin. "Okay na ba dito?"

Tumango ako. "Oo, salamat pala sa lahat ng tulong mo and sorry about....a while ago.." halos pabulong kong sabi.

"It's alright. By the way saan ka pala matutulog? Your friend occupied your bed." aniya.

"On the floor. Don't worry, sanay na ako." agap kong sagot. He looked at me before nodding in satisfaction.

"I should get going then." paalam niya. Sinamahan ko siya hanggang sa labas ng pintuan. Naglakad siya patungo sa kotse niya at binuhay ang makina. He took one last look before turning his car on the other side of the road.

I sighed before locking up the door. Bumalik ako sa kwarto kung saan ay tulog pa rin si Emerald. I removed her black boots before tossing it to the side. Pumasok na rin ako sa banyo para maghilamos.

Kinuha ko ang lumang foam bed sa gilid ng kabinet at inayos ito sa gilid ng kama ko. I almost forget to drink my sleeping pills. I was about to stand up when a text interrupted me.

Saige: Don't think too much. Good night.



-Lucky_Nineteen

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon