Chapter Thirty-Four

406 15 0
                                    


[Chapter Thirty-Four]

"You help Tita Z pick gift for Tita Maxie and Tito Dustin, okay?" masiglang tanong ko kay Lila. Bumisita kasi ako sa kanila kanina para imbitahin rin sila sa kasal nina Maxie at Dustin bago pumunta sa mall para bilhan sila ng regalo. Eh itong si Lila hindi magpapigil, gustong sumama.

"Tita, punta ka rin sa play ko ah?"

"Play?"

Tumango naman siya sa akin. "Opo, may play po kami sa school, ako ang gaganap na Cinnderella."

"Talaga, baby girl? Okay pagtapos nating bumili ng gifts ay bibili tayo ng gown mo as Cinnderella."

Tumalon-talon naman si Lila sa narinig. "Basta, wag kang aalis ng hindi nagpapaalam, ah? Next time hindi na kita isasama."

"Promise po." itinaas pa nito ang kamay at gumuhit ng ekis sa dibdib. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya papasok ng gift shop. Bareminerals make up collection ang binili ko para kay Maxie habang kay Dustin naman ay Rolex watch.

Plus my fashion collection and trip to Palawan for their honeymoon. Ito lang ang maibibigay ko sa kanila sa tagal na panahon naming hindi nagkita. But I know these two, hindi naman sila materialistic na tao kaya kahit presensya lang naming dalawa ni Saige ay okay na sa kanila.

Nakausap ko rin si Maxie kahapon, we're suppose to meet but she's busy in preparation of her wedding while I have a meeting. Pero kahit ganoon ay hindi nagkaroon ng lamat ang aming pagkakaibigan.

Sa pag-uusap man lang sa screen ay nababawi namin ay anim na taon na hindi kami nagkita at nagkasama.

Pagkatapos naming mamili ay dumiretso kami sa isang botique para mamili ng damit ni Lila. She's the one who picked her cream blue dress, similar to Cinderella's. She took after her mother's beauty and fashion skills. When she turns older, kukunin ko siya para maging model ko, 'yun ay kung papayag si Wynter.

He's very uptight in his daughter. Ayaw niyang masyadong nae-exposed ang anak. But I think Wynter needs to re-marry again. He needs to find a woman as kind and as fine as Ate Lia. Lila needs a mother figure to look after her, baka hindi ko na iyon magagawa sa mga susunod na taon. Even if that happens, she's always gonna be my baby girl.

Lila little stomach rumbled as we went shopping, so we decided to grab a bite. Lila's feasting on the fries when my phone beeped. I got a text from Saige.

Saige: Found you.

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Hindi pa ako nakakalingon ay isang halik na ang natanggap ko. Namilog ang mga mata ko nang ibinaba ni Saige ang shades niya at ngumisi sa akin.

"What..?"

"Hey, baby girl." bati niya kay Lila at pinisil nito ang pisngi.

"Tita, Tito Leo called me baby girl! I'm his baby girl!" tili ni Lila. Saige chuckled. "Yes, you're my baby girl,"

Agad niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya. "But your Tita is my baby."

Pinandilatan ko siya ng mata at sinubo ang burger sa bunganga niya. "Tumigil ka, Saige, kung ano ang pinagsasasabi mo sa bata."

"Totoo naman, ah?" depensa niya habang nginunguya ang burger. Dumapo ang tingin niya sa mga pinamili namin. "You done?"

"Hmm.." I lazily drawled. "Hinihintay ko na lang na matapos si Lila sa pagkain at uuwi na kami."

Tumango ito.

"Tito, you should come in my play." saad ni Lila sa kaniya. Lumingon pa siya sa akin.

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon