Chapter Eight

963 28 0
                                    


[Chapter Eight]

"Long time no see, Aquino."

Bati ng isang lalaki at lumapit kay Saige. He balled his fists and his jaw tightened. Hindi ko namumukhaan ang lalaki pero alam kong hindi maganda ang balak nilang gagawin.   

Napakapit ako nang mahigpit sa jacket dahil sa matinding takot. This is bad... very bad..

"What do you want, Sarmiento?" halos mamilog ang mga mata ko sa narinig. Si Samuel? Yung pinagchichismisang nagda-drug sa school?

"Nabalitaan kong ikaw ang bumugbog sa dalawa kong kaibigan nung nakaraan." agad akong napatago sa likod ni Saige nang mapunta ang tingin niya sa akin.

"And that girl is involved too." mas lalong dumilim ang tingin nito.

"Wag mo siya idadamay, I don't regret hitting your buddie cause they're nothing but a perverted douchebags." malamig ang boses nito. Mas lalo ako itinago ni Saige nang lumapit ang mga ito. Somebody help us!

Malakas kasi ang ingay at crowded ang buong lugar kaya hindi nahahalata na mga nangyayaring kakaiba.

"I don't think so." napatili ako nang bigla ako hilain ng isang lalaki, hindi ako tuluyang nakuha kasi sinuntok agad ito ni Saige. Sumugod naman ang iba pang kalaban pero napatumba din ito ni Saige.

"Stay behind me."

Their numbers grew but I felt relief when I saw Dustin, Caleb, Porsche and their other friends. Sa isang iglap ay nagkagulo na. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natatakot ako.

May biglang humila sa akin pero hindi ko nakita ang mukha nito. His figures are telling me that he's not Saige.

"Let me go!" sinubukan kong alisin ang kamay ko but he have a tight grip. Patuloy sa paghila sa akin si Samuel.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero iba ang kutob ko.

Agad na humarang sa amin si Saige. His bloodshot eyes throw at Samuel like a dagger.

"Let her go." seryoso niyang wika. Impit akong napasigaw nang kinabig niya ako at tutukan niya ako ng isang matalim na bagay. Napasinghap ako, punong-puno ako ng takot ngayon. I've never been into this situation before.

Umigting ang kaniyang panga. His veins are showing up and by the looks of it, he's very angry..

Humakbang ito palapit sa amin, mas diniin ni Samuel ang patalim sa leeg ko. Napapikit ako at napakagat ng labi. Nararamdaman ko ang hapdi at ang dugong tumutulo. Nanginginig ako at napapaiyak na lamang, alam kong konting galaw ko lang ay masusugatan na naman ako.

"You motherfucker!" nangangalati niyang sigaw.

Hindi pa nakakalapit si Saige ay biglang bumagsak si Samuel. Hinampas siya ni Caleb ng isang kahoy. Lumingon ito sa akin at ngumisi.

"You're welcome." tugon niya kahit hindi ako nagpasalamat.

Napaluhod ako sa matinding takot, dinaluhan naman ako ng Saige, binalot niya ng panyo ang leeg ko. My whole body is trembling. I cannot breathe.

"Are you okay?" nanatili akong nakasubsob sa dibdib niya. Nanginginig pa rin ang mga balikat ko. Halos hindi ako makapagsalita.

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon