SECOND WING

17.7K 293 21
                                    

SECOND WING

Alyssa’s

“Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita e”

Napadilat ako ng may marinig akong boses. Tumingala ako. Nakita ko ang isang kobe 8 na kamuka ng sakin. Isa lang naman ang kilala kong meron nito bukod sakin.

“Anung kailangan mo Margarita?” walang ganang sabiko sa kanya. Pumikit ulit ako.

Naramdman kong humiga sya sa tabi ko. Nandito kasi ako sa oval ngayon. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa bumigay na ang mga paa at tuhod ko. Naabutan nya akong nakahiga dito.

Sa tantya ko ay mga alas nwebe na ng gabi. Halos apat na oras din pala akong tumakbo. Wow bagong record yun ah. Last time kasi tatlong oras lang.

Sa twing may mabigat akong dinadala ay lagi akong nagpupunta dito. Ay mali pala, let me rephrase it. Kapag hindi ko na kinaya yung mabigat kong dinadala ay nagpupunta ako dito. Tatakbo lang ako ng tatakbo sa boung oval. Pakiramdam ko kasi kapag tumtakbo ako ay hindi ako kayang sabayan ng mundo. Na sa bawat pag-ikot ko sa oval ay naiiwan ko ang bigat sa dibdib ko. Ganito na ang paraan ko simula pa noon. Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang gawin to. Di ko na rin kasi matandaan yung araw na wala akong dinadala. Yun ay kung meron nga bang araw na ganun. Pero ang pagtakbo ay talagang nakakagaan ng pakiramdam ko.

“Hinahanap ka ni Uncle. Tumawag sya sakin. Sakto naman na nasa BEG ako kanina” sabi nito sakin.

Yan si Margarita. Magkasama kami sa iisang bahay. Sa kanila na kasi ako tumira simula nung umalis ako sa bahay namin sa batangas. Actually hindi sa kanila yun. Sa uncle nya, Si uncle Max. Isa syang sikat na photographer. May sarili syang studio. Nung makita nya ko sa Intramuros noon na kumukuha ng larawan habang may nakasukbit na malaking back pack sa likod ko, inaya nya akong tumira sa kanila. Sa twing walang pasok ay tumutulong ako sa studio. Sya din ang mentor ko. Pangarap kong maging isang magaling na photographer baling araw. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi kung hindi nya ko pinatira sa bahay nya ay baka pakalat kalat na ko sa lansangan nagyon.

“I saw them” sabiko sa kanya. Minulat ko ang mata ko para tumingin sa langit. Maaliwalas ito kung kaya naman kitang kita ang mga makikislap na bituwin.

“You saw who?” takang tanung nito sakin

“My two good for nothing bestfriends” saka ako tumawa ng pagak. Gusto kong masuka nung lumabas sa bibig ko yung salitang ‘bestfriend’.

“Ly they were your bestfriends!” medyo tumaas ang boses nya.

“Yeah. The WERE my bestfriends. Past tense.” Sabi ko sa kanya. I can’t hide the bitterness in my voice.

“Ly it’s been what? Two years?” sabi nito sakin. Bumangon sya at naupo.

“yeah its been two fucking miserable years since that day when they broke my stupid heart” sabi ko sa kanya. Shit lang!

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now