FIFTH WING

14.2K 281 20
                                    

Napanasin nyo rin ba?

If there is one more thing na common sa mga babaeng nalilink kay Alyssa (bukod syempre kay Alyssa mismo) yun ay ang they are all wearing jersey number 13. Rachel, Dennise, and now Bang.

What's wiht number 13?

SIguro nga 13 really compliments 2.

Enjoy reading :)

======================

FIFTH WING

Michelle’s

Day 1 of 10

Nakatambay lang ako sa hardin namin dito sa sa Ente Isla. Hawak hawak ko ang scroll na binigay sakin ni Archangel. Masyadong akong nilalamon ng kagustuhan ko ng alamin ang istorya ng buhay nitong si Alyssa Valdez na susnod kong misyon.

Napaka-tragic naman pala ng buhay nito. Sa lahat ng naging misyon ko ay sya ang pinakamalala. Halos lahat kasi ng mga sinusundo ko ay namamatay dahil sakit. At hindi naman ganito kasalimuot ang buhay nila. Kadalasan pa nga na ang dahilan kung bakit ako nahihirapanng sunduin sila ay dahil ayaw nilang iwanan ang mga pamilya nila sa tindi ng pagmamahal nila dito.

Isa pa. Hindi ako pinatulog ng palaisipang iniwan sakin ng Archangel.

“Iba sya michelle.. Iba sya. Kailangan mong maging maingat. Maaaring maging ikaw ay mabago nya”

Pano naman sya naging kakaiba?

Bakti kasi hindi pa sinabi sakin agad. Base sa mga nabasa ko ay isa syang halimbawa ng isang tipikal na taong hindi ang amang panginoon ang sentro ng buhay kung kayat punong puno ng galit ang puso nya.

Hindi sapat ang nakasulat sa scroll na ito. Kailangan kong bumaba sa lupa ngayon. Titingnan ko sya. Titingnan ko ang kalagayan nya ngayon.

Agad akong nagpunta sa main gate para lumabas ng Ente Isla.

Base sa sinasabing scroll ngayon ay nasa oval sya ngayon. Mukang paborito nyang lugar ang oval na yun.

Marahan akong lumapag sa lupa. Tinago ko ang mga pakpak ko. May kakayahan kaming itago ang pakpak namin pag bumababa kami sa lupa.

Nakita ko sya na tumatakbo ng mabilis paikot ikot sa oval. Puno ng pagkalito, galit, sakit at pangungulila ang muka nya.

Kahabag habag ang kanyang itsura ngayon.

Muli hindi ko na naman maiwasang hindi makaramdam ng simpatya sa taong nasa misyon ko. Ngunit hindi ko kailangang mag-alinlangan dahil lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay ayon sa plano ng ama natin.

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now