TWENTY-SIXTH WING

10.3K 249 23
                                    

TWENTY-SIXTH WING

Day 26 of 30

Den’s

“Ang tagal mo den” nagulat ako nung may magsalita sa gilid ko. Naglalakad na ko sa hallway galing sa last class ko ngayong araw. Hindi kami magkaklase ni Ly sa subject na ito. Nagmamadali na rin kasi akong makauwi dahil kanina pa vibrate ng vibrate ang phone ko. At syempre sino pa ba ang text ng text at tawag ng tawag kundi ang makulit na katabi ko ngayon. Dinampot ko na nga lang yung mga gamit ko basta basta kaya hindi ko sya nakitang tumabi sakin dahil sa hallway ko na ito inaayos sa bag ko.

Ang totoo gusto ko na rin namang umuwi agad dahil gusto kong makita si Ly. Ayokong nawawala sya sa paningin ko.

“bakit ba madaling madali ka ha? Kita mo ni hindi ko na nakuhang ilagay sa bag ko yung mga gamit ko” reklamo ko sa kanya

“Eh may pupuntahan kasi tayo kaya amina na yang bag mo at mga gamit mo ako na magdadala” sabi nya tapos pagkadaka ay inagaw ang gamit ko.

Pagkasubit nya ng shoulder bag ko ay hinwakan nya ang kamay ko. Yung dalawan librong dala ko naman ay inipit nya sa kilikili nya sa kabila.

Nauuna syang maglakad sakin. Madaling madali naman tong babaeng to! Pero hindi ko maiwasang pagmasdan sya at matuwa sa itsura nya. Nakasuot sya ng syemre, ang hindi nauubos nyang v neck tee na kulay white at isang khaki pants na 6 pocket tapos sneakers na white. Ang linis linis at ang bango bango nyang tingnan. Pero ang cute lang kasi, ganyan yung porma tapos may nakasabit na shoulder bag na girly girly ang design sa balikat nya. Nakawala tuloy ang impit kong tawa dahil dito, bigla naman syang huminto at humarap sakin.

“I heard you laugh. Are you laughing at me? ” nakakunot noong tanung nito. Pinagdikit ko ang labi ko ng mariin at saka umiling ng umiling.

“hindi ah! Bakit naman kita pagtatawanan?” pigil tawa kong sabi sa kanya

“Aish! Pagbibiyan kita ngayon kundi lang ako nagmamadali nako asdfghjkl” di ko na naintindihan yung huling sinabi nya dahil halos pabulong na lang ito.

Nung makarating kami sa parking are ay may dinukot sya sa blusa nya. Isang itim na square na kasing laki ata ng bahay ng posporo. Pinindot nya iyon at tumunog ang isang pulang sasakyan na nasa di kalayuan. Umiilaw din ang headlights nito.

“Kaninong sasakyan yan?” tanung ko. Binuksan nya ang passenger seat at sumenyas syang pumasok ako. Di sana ko papasok hanggat hindi nya sinasagot pero nakakunot na naman kasi ang noo nya. Kaya sa huli pumasok na lang ako. Nilagay nya ang seatbelt ko pagkatapos.

binuksan naman nya yung likod na upuan tapos nilagay dun yung mga gamit ko. Pagkatapos ay patakbong umikot sa kabilang side ng sasakyan.

Pagkasakay nya ay agad nyang pinaandar ang sasakyan.

“this is mine. Dumating lang kaninang umaga. Pinadala ni lolo” casual na sabi nya.

Hinampas ko naman sya sa balikat at saka tinukso.

“wow! May sarili na syang wheels! Congrats Ly” pang-aasar ko sa kanya

“He he he. Nahiya naman kasi ako sa pagrereklamo mo sa twing aalis tayo tapo nagcocommute lang tayo” sarcastic na sabi nito.

Pina-andar na nya yung sasakyan tapos ay kinabit nya yung headset at saka may pinindot sa phone nya na nasa dashboard.

“Papunta na kami dyan. Thanks” sabi lang nito tapos hinugot na rin yung headset sa tenga nya.

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now