THIRTEENTH WING

11.6K 260 21
                                    

THIRTEENTH WING

Day 10 of 30

Alyssa’s

Kagabi pag-uwi namin ng dorm ni Den ay napilitan akong humingi ng sorry sa lahat. Okay lang naman sakin manghingi ng sorry kung alam kong may kasalanan ako pero kasi naman hindi naman ako yung talagang may kasalanan. Aish, oo na may kasalan na rin ako. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Marge. Hindi raw nya ako kakausapin ng maayos hanggat hindi maayos ang pakikitungo ko kay Julia. Mukang nakahanap na yung gagong yun ng papalit kay Jirah. Bahala sya.

Nakasandal ako sa isang sementong haligi malapit sa classroom nila Den. Hinihintay ko sya na lumabas ng klase nya. Wala lang. Gusto ko kasi maglibot libot at kunuha ng ilang shots. Wag kayong mag-isip ng kung ano kung bakit ko sya hinihintay ha. Aayain ko na lang kasi sya kasi sigurado naman akong bigla rin yung susulpot kung nasan man ako e.

Busy ako sa pagbabrowse ng pictures sa camera ko nung makarining ako ng ingay ng mga studyante. Tapos na siguro yung klase nila.

Nakatingin lang ako sa pintuan ng klase nila, nagsisilabasan na yung iba pero sya hindi pa rin.

After ng ilang student pa na lumabas niluwa rin ng pintuan si Dennise. Nakita ko na may mga kausap syang mga babae. At nagtatawanan sila.

Teka ano to?

Bakit parang biglang nag-slow motion ang lahat?

Bakit wala akong ibang  marinig sa paligid ko kundi yung mala musika nyang tawa?

Nagtama ang tingin namin ni Dennise. Kinawayan nya ako pero nanatili akong naninigas sa kinatatayuan ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nagpapawis ang mga kamay ko.

Para akong nasa eksena ng isang teleserye kung saan ang bida ay nakita ang crush nya at natutulala lang sya dito. Gets nyo ba?

Ang ganda nya ngayon.. Yung buhok nya na nililipad ng hangin sa paglalakad nya.

Yung ngiti nya na pumuputol ng hininga ko.

Napahawak ako sa pader na kinakasandalan ko kanina dahil parang nanghihina yung tuhod ko.

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now