TWENTY-FIFTH WING

9.4K 225 7
                                    

TWENTY-FIFTH WING

Day 25 of 30

Alyssa’s

Nagstay pa kami ni Den sa Batangas until today. Ngayong araw kasi uuwi si mommy dito sa probisya, tinawagan sya ni ate kahapon para sabihin ang plano namin na makapag-usap ang buong pamilya namin. Buti na lang at pumayag si mommy.

“O  bakit pangiti ngiti ka ng mag-isa dyan?” tanung sakin ni Den. Nililigpit na nya yung mga gamit ni lolo. Wala naman daw kasing serious matter na nakita sa exams ni Lolo. Kaya pwede na syang lumabas. At ayaw na rin kasi ni Lolo mag-stay pa dito sa ospital dahil baka lalo lang daw syang mgakasakit. Para nga lang syang nagdahilan e, ang sigla sigla nya kaya mula pa kahapon. Nasa CR sya ngayon at nagbibihis.

“masaya lang ako girlfriend” nakangiting sagot ko sa kanya. Nakaupo lang ako sa couch at pinapanuod syang ligpitin ang mga gamit ni Lolo. Girlfriend material talaga. Actually wife material na!

“Wala  ka na bang ibang maisip na itawag sakin? Girlfriend talaga? Samantalang sa mga babae mo, babe, hon, sweetie” kunot noong sabi nya sakin.

Lumapit ako sa kanya at saka sya niyakap.

“Asus. Tampo ka na nyan? Alam mo kasi kaya girlfriend ang tawag ko sayo kasi gusto kong ipaalam sa buong mundo na si Dennise Michelle Lazaro ay girlfriend ni Alyssa Valdez. Isa pa, yung mga endearment na yun, pang fling ko lang yun. Ikaw, iba ka. Seryoso ako sayo. At ikaw lang ang nag-iisang girlfriend ko.” Sabi ko sakanya sabay kiss sa sintido nya.

“talaga lang ha. Ang sabihin mo tinamad ka lang mag-isip” sabi  nito habang sinasara ang bag ni Lolo

“Oo kaya. Saka kung tutuusin ikaw kaya ang first girlfriend ko.” Sabi ko pa

“Eh anu tawag mo sa mga naging karelasyon mo dati?” tanung nito sakin. Humarap sya sakin at pinagdiskitahan na naman ang ilong ko.

“Sila lang naman nag-aassume nagirlfriend ko sila e. Basta ako, i never told anyone na Gf ko sila. Ikaw lang. Kaya technically your my first. Isn’t that amazing huh?” sabi ko habang tinataas taas pa yung kilay ko

“Hay nako. Dyan ka talaga magaling e. Sa mambola” sabi nya habang nilalamukot ang muka ko

“hay iba na talaga ang mga kabataan ngayon hano. Nakakainggit ang kasweetan nyo mga apo” napalingon kami kay Lolo na kakalabas lang ng CR.

Yes. Apo na rin ang tawag nya kay den. Dun na rin naman daw yun pupunta e.

Pakasalan ko na kaya si den? Tanggap na tanggap na kami ng lahat e. Di ko maiwasang mapatawa ng mahina sa naisip na iyon.

“Aba apo, ganyan ba talaga pag-inlove? Parang nababaliw na?” tukso sakin ni Lolo

“Ano na namang naisip mong kalokohan ha?” sabi ni den tapos kinurot ako sa tagliran.

“Wala ah! Pag tumatawa may kalokohan agad na naiisip? Hindi ba pwedeng ikaw lang ang pumasok sa isip ko kaya ako masaya?” banat ko kay den. Nakita ko naman na namula yung psingi nya.

“Yan ang banat! Lakas mo talaga apo.” Natatawang sabi ni Lolo

“hay nako Lo wag nyo na nga pong sakyan ang kalokohan ng isang to!” sabi ni den tapos umabrisyete na sya kay Lolo

“hoy teka, dapat sakin ka hahawak!” protesta ko kay den.

“Che! Kay Lolo ako hahawk. Dalin mo yang mga gamit ni Lolo” sabi ni Den tapos hinila na si Lolo palabas ng pintuan.

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now