TWENTY-FOURTH WING

9.2K 247 25
                                    

TWENTY-FOURTH WING

 

The truth behind all...

 

 

Alyssa’s

Nakatayo kami ni kuya sa gilid ng kama ni lolo. He suffers from a mild stroke sabi ng doctor. Mabuti na lang daw at agad naming nadala si lolo sa ospital kung hindi ay baka nabawian na ito ng buhay.

Naptingin kami ni kuya nung bumukas ang pintuan at niluwa nito si Atty. Ramirez. Ang tanging taong pinagkakatiwalaan ni Lolo sa lahat ng legalities ng pamilya namin. Ang ama nya ang original na lawyer na pamilya. Napasa ito sa kanya nung pumanaw ang ama nya.

“kamusta ang Señor?” tanung ng 50 year old na abugado.

“mas maayos na ang lagay nya kumpara kanina. Ang sabi ng doctor ay kailangan pa rin syang bantayan ng maigi” sagot ni kuya.

“kung gayon ay huwag na kayong mag-alala, matibay ang Señor” sabi nito at saka tinapik ang balikat ni kuya. Napatingin naman ito sa direksyon ko.

“Alyssa ikaw na ba yan? Kaylan ka pa nakabalik? Siguradong matutuwa ang Señor pag-gising nya dahil nandito ka na” napayuko ako sa sinabi nya. Ako ang dahilan kung bakit nasa ospital ngayon si lolo.

“Actually po, alam na ni lolo na bumalik si bunsoy –“

“inatake sya dahil sakin.” Putol ko na sa sasabihin ni kuya.

“bunsoy hindi ka namin sinisisi” sabi ni kuya sakin

“nasaan si Sophia?” kapagkuwa’y tanung ni Atty.

“paparating na rin po sila” sabi ni kuya.

Maya maya nga ay dumating na rin sila Ate at Dennise.

Agad na lumapit sakin si Den at saka ako niyakap ng mahigit.

“Ayos ka lang ba?” tanung nya sakin habang hinahaplos ang pisngi ko.

Tango lang ang isinagot ko.

“Anong lagay ni Lolo” tanung naman ni Ate

“Mas maayos na ate. May mga ilangtest oa rin silang gagawin kay lolo” sagot ni kuya.

Hinaplos ni ate ang noo ni loo para hawiin ang buhok nito.

“Alam kong this is a family matter. At hindi ko alam kung matutuwa ang Señor sa gagawin ko pero sa tingin ko ay dapat nyo na itong malaman” biglang sabi ni Atty samin.

Lahat kami ay tumingin sa kanya na puno ng pagtataka.

“Maupo muna kayo mga anak.” Sabay sabay kaming naupo nila kuya sa couches na nasa loob ng kwarto. Katabi ko si den, agad na hinanap ng kamay ko ang kamay nya. Nung hawak ko na ito ay saka ako tumingin kay Atty para ipaalam sa kanya na handa na akong makinig sa anu mang sasabihin nya.

“kayong tatlo, alam kong bawat isa sa inyo ay may sari-sariling dahilan para magalit sa lolo nyo. Pero sana unawain nyo sya. Manatili kayo sa tabi nya. Hindi na bumabata ang Señor, kailangan nya na ng makakasama.” Panimula nito. Walang ibig magsalita sa aming tatlo, nakatingin lang kami sa kanya at naghihintay ng sasabihin nya.

“gusto kong magsimula sa pinaka-umpisa ng nalalaman ko. Malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa pamilya nyo. Dati palagi kong tinatanung ang Papa kung bakit ganun na lang nya pagsilbihan ang Señor, ang lagi lang sinasagot sakin ng Papa ‘dahil karapatdapat syang pagsilbihan’. Tinanung ko rin ang Mama tungkol sa bagay na yun, pero ang sabi lang sakin ni mama, ‘kung ano man ang nakikita ng ama mo sa Señor, makikita mo rin iyon balang araw”

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now