TENTH WING

12.9K 256 27
                                    

TENTH WING

Day 7 of 30

Michelle's

Ngayong araw na ito isang lingo ko ng kasama ang bago kong misyon. Maraming araw na ang nasayang ko. At hanggang ngayon nasa unang complication pa lang ako sa buhay nya. Aminado naman akong mahihirapan ako sa kanya. Pero kasi habang nakakasama ko sya ay mas lalo kong nakikita kung gano kalalim ang sugat na iniwan sa kanya ng mga masasakit na pangyayarin sa buhay niya.

Nandito ako ngayon sa room namin. Sya naman ay lumabas. Inutusan kasi ni coach na kunin yung mga bago naming equipments for training.

Kinuha ko yung red marker at nilagyan ng malaking “X” yung date kahapon. Nagstart yung pagbibilang ko nitong June 2, 2013 at nilagyan ko naman ng malaking bilog ang July 1, 2013. yun ang nakatakdang araw ng kamatayan nya.

June 8 na ngayon. Hay!

Napabuntung hininga ako. Isa ito sa mga bagay na nakakalungkot para saming mga anghel, yung alam mo yung araw kung kaylan nakatakdang mamatay yung tao pero wala kang pwedeng gawin para pigilan yun. Tapos yung mga taong nasa palligid nya ay walang kaalam alam sa mangayayari. Minsan nga natutukso akong sabihin sa kanila na ang taong pinapahalagahan nika ay nakatakda ng kunin ni Ama kaya naman sulitin nyo na ang araw na kasama nyo sya.

Pero hindi ko naman yun maaaring gawin dahil isa yun sa rules.  Ang tanging pwede ko lang gawin ay gabayan sya hanggang maayos nya ang buhay nya bago sya mamatay.

Kaawa awang Alyssa. Kung alam mo kaya na mamamatay ka na makikipag-ayos ka kaya agad sa mga taong nakasamaan mo ng loob?

Isang malalim na buntonghininga na naman ang pinakawalan ko.

“Ang lalim nun ah! Muntik na nga akong malunod”  nabitawan ko yung marker na pinaglalaruan ko sa kamay ko nung marinig kong may nagsalita.

Pagtingin ko ay si Marge pala.

“Sorry. Nagulat ba kita?” nakangting sabi nya

“Kanina ka pa dyan?” tanung ko na lang sa kanya. Hindi ko manalang napansin na nasa loob na pala sya.

“Hindi naman. Pasyensya na ha kung bigla bigla na lang akong pumapasok. Di kasi ako sanay kumatok pag kwarto naman ni Moks. ” sabi nito

“Hmmm ayos lang. May kailangan ka ba? Wala si Ly e” sabi ko sa kanya

“Ah oo. Hihiramin ko lang san yung isa nyang pantalon. Ngayon pa lang kasi ako magpapalaundry e.” kamot ulong sabi nito

“Ah ganun ba?” sabi ko sa kanya. Para na talaga silang magkapatid.

“Mukang may pianghahandaan ka ah. Anung meron sa July 1?” tanung nito habang nakatingin sa kalendaryong nakasabit sa pader.

“Ah wala lang yan. Hindi naman ganun kaimportante” sabi ko

“oh okay! Kunin ko na ha” sabi nya tapos nagpunta sya sa locker ni Ly at kumuha ng pantalon. Yung mga locker kasi namin ay isang malaking cabinet, may sapace para sa mga ihahanger na damit tapos sa iabab naman nito yung mga pwedeng ituping damit at isang drawer na nailalock para sa ibang importanteng gamit.

Hay Marge. Pasensya na at kailangan kong sunduin ang kaibigan mo. Nakikiata ko kasing isa sya sa pinaka masasaktan sa pag-alis ni Ly.

“Okay Dennise. Your giving me creeps. Ganian ka talaga tumitig?” humarap sya sakin pagkasara nya ng cabinet ni Ly. Yung kilay nya nakakunot sakin.

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now