FOURTH WING

15.4K 266 9
                                    

FOURTH WING

Alyssa’s

Nung hapong iyon pagkagaling ko sa oval ay agad akong humiga sa kama ko. Tulog si Margarita sa kabilang kama. Muka mamaya pa nya balak umising sa ayos nya. Kanina ay tila ba pagod na pagod ako ngunit pag dating ko dito sa bahay ay biglang nawala ang antok ko. Buhay na buhay ang diwa ko.

Bumangon ako. Tumingin ako sa side table kung saan ko pinatong ang puting balahibo. May kakaiba sa balahibong ito. Tila ba naaakit akong titigan ito palagi. Tutal ay hindi naman ako makatulog ay napagpasyahan ko na lang na pumunta sa kusina para maghanap ng pwede kong paglagyan nito.

Maswerte naman na may isang glass vase akong nakita sa isang drawer dito sa kusina. Isang itong mataas at sleek na vase. Tamang tama na paglagyan ng balahibong iyon.

Agad akong bumalik sa kwarto pagkatapos kong malinisan ang vase. Inilagay ko ang balahibo dito.

“Ano bang meron sayo? At parang nahihipnotize ako sayo?” sabi ko pagkatapos kong itong maayos.

Humiga ako sa kama at tumagilid ako paharap sa side table. Marahan kong tinitigan ang balahibo.

Alam kong konti pa lang ang nakikita kong ibon sa buhay ko pero alam ko naman na Philippine Eagle ang pinakamalaking ibon sa pilipinas at hindi ito purong puti kung kaya naman talagang binibigyan ako ng palaisipan ng balahibong ito. Sa anong klaseng ibon ito nanggaling?

Teka baka naman sa isang taong ibon ito nanggaling? Yung sa mga mulawin!

Natawa naman ako sa naisip ko. Para akong sira ulo. Sa TV lang naman may ganun, hay nababaliw na ko.

Tumihaya ako at ang kisame naman ang napagdiskitahan kog titigan. paulit ulit na bmabalik sakin ang malamyos na tinig na narinig ko kanina sa oval. Malinaw kong narinig ang sinabi nya kung kaya panong nangyari na wala akong nakitang kahit sino sa oval? Nakakpagtaka talaga

“Magiging ayos din ang lahat. Pangako..” pag-uulit ko sa sinabi ng tinig kanina.

Tama kaya sya? Magiging ayos nga ba ang lahat?

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now