EIGHTHEENTH WING

11.2K 228 4
                                    

EIGHTHEENTH WING

Day 17 of 30

Den’s

“Okay guys theres another announcement from the management”

Nandito kami ngayon sa sala ng dorm dahil may iaanounce nga daw sila Ella at Amy.

“guys the new coach has arrived just yesterday,  and we’ll get to meet him on friday so be ready” sabi ni Amy.

Kanya kanyang bulungan na yung mga teammates ko.

“at nga pala, nagdecide ang management na huwag munang isama si jia sa line up ngayong taon” malungkot  na pagbabalita ni Ella.

Nakita ko kung pano nalungkot ang lahat lalo na itong dalawang tao sa tabi ko.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Ly para ipaalala sa kanya na nandito lang ako sa tabi nya.

Tumango lang sya sakin bilang tugon sa pagpisil ko sa kamay nya. Tinapik ko naman yung balikat  ni Marge. Kahit ngumiti sya sakin alam kong mabigat ang loob  nya.

“pero isa  pa rin naman syang ALE diba?” tanung ni Mich. Sila kasi ang mga kabatch nito.

“Oo naman, magpapahinga lang sya. Ayaw naman ng management na mapwersa ang binti nya at baka lalo lang lumala ang injury nya,  mas lalo syang hindi makakabalik satin”paliwanag ni Ella.

“that also means that she will be graduating late from ALE than you guys” dugtong pa ni Amy.

Lalo namang lumungkot ang mga muka ng rookie sa binalita nila Ella at Amy. Kahit naman kaming mga senior ay nalulungkot din ng sobra.

“hey girls cheer up! Whats with the face? Jia wouldn’t like if she knows that your acting like this. She’s a tough girl. She can do it, and we will get this championship for her right?” masiglang sabi ni Amy.

She really deserves her position. And she play with its role to well.

“yeah!” sigaw ng lahat.

“Ateneo?” tanung ni Ella at Amy

“one big fight!” sigaw naman ng lahat.

“okay! Girls yung may mga pasok maghanda na. “ sabi ni Ella

“Okay captain!”

Isa isa na silang nagtayuan sa mga pwesto nila kanina. Naiwan kaming tatlo nila Marge at Ly dito sa sala.

“moks pupunta ka na ba kay Jia? Pakisabi mamaya pa ko makakapunta ha. Hanggang 6pm pa kasi klase ko e.  Nakakainis nga e” reklamo ni Marge.

“sige moks sasabihin ko. Mamaya pa ng konti kami pupunta ni den kasi may isang subject pa kami this morning” sabi ni Ly

“hay buti pa kayo classmate. Wag nalang kaya akong pumasok?” tanung nito

Binato naman sya  ni Ly ng throw pillow

“sira! Gusto  mong magalit sayo ang kapatid ko? Alam mo  naman na mahalaga sa kanya ang studies diba?” bulyaw sa kanya ni Ly

“oo nga. Sumunod ka na lang agad kung tapos na ang klase mo” sabi ko naman. Wala  na rin syang nagawa. Laglag ang balikat nyang umakyat sa kawarto nya para maghanda na papasok sa school.

.

.

.

.

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now