FOURTHEENTH WING

11.4K 247 18
                                    

FOURTHEENTH WING

Day 11 of 30

Alyssa’s

“Where have you been?”

“Why aren’t you returning our calls?”

“Hindi ka manlang nagtext kahit isang beses!”

Yan agad yung bumungad sakin pag kabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng dorm namin. Standing in front of me, Ella the (hesterical) captain and Amy the (always calm) co-captain.

“Can I atleast come in first?” tanung ko sa dalawa.

Tumabi naman sila sa pintuan at pinapasok ako. Pabagsak akong umupo sa sofa. Umupo naman sila sa katapat na sofa at tinitigan ako ng matiim.

“What?” tanung ko. Nakakailang kasi e.

“wag mo kaming ma-what what dyan ha. Explain.” Mariing sabi ni Ella sakin. Halata kong nagpipigil na sya ng galit. Namumula kasi yung tenga e. tapos di mapakali sa upuan.

“Okay. I’m sorry. Something came up. Di ako maka-alis dun. Nalowbat ako kaya di na ko nakatext o tawag sa sainyo” sagot ko sa kanya

“Then?” mahinahong tanung sakin ni Amy

“Then?” inulit ko yung sinabi ni Amy.

“Aba’t loko to ah!” tumayo si Ella sa upuan akmang lalapitan ako pero hinila ulit sya ni Amy paupo.

Kung literal lang talaga na umuusok ang ulo ng isang tao baka isa na si Ella sa mga yun ngayon.

“Will you calm down Ella? You’ll scare her and she will not really talk to us.” Sabi ni Amy kay Ella.

Ako matatakot kay Ella? Imposible ata yun. Nirerespeto ko pa rin naman sya kaya eto makikipag-usap ako sa kanya. Kundi ba naman kasi napakanaggger nitong babaeng to e.

“Wooh!.. aaahmm” huminga sya ng malalim at saka ulit ako hinarap.

“Okay. Pwede ba Alyssa ipaliwanag mo samin kung bakit hindi ka nakauwi kagabi?” she asked me slowly. But you have to take note of this, slowly but on gritted teeth. Tapos nakasmile sya na halatang pilit na pilit dahil kanina ko pa nahahalata na gusto na nya kong sabunutan at sakalin sa inis nya sakin e.

“Pfft Hahahahaha” hindi ko na talaga napigilan yung tawa kong kanina ko pa pinipigil. Nakakatawa kasi yung itsura ni Ella.

“Ahhhh!!! Ayoko na! hindi ko na talaga kayang pigilan to!” sigaw nya tapos tumayo sya sa katapat na sofa at dinampot yung throw pillow at saka lumapit sakin.

“Kailangan ko tong gawin dahil pag hindi ko to ginawa sasabog na talaga ako” sabi nya tapos sinimulan na nya akong paghahampasin ng throw pillow.

“Aah ah Pots ano ba! Ahahahaha” yeah I used to call her pots. As in Ella pots. Batchmate kami remember?

Tawa lang ako ng tawa habang pinaghahampas nya ko ng throw pillow. Nakataas yung paa ko sa sofa at pinapananggga ko yung braso ko.

 “Ella stop it!” awat naman ni Amy sa kanya.pero dahil sa galit nga daw sya wala ng nagawa si Amy kung hindi panuorin na lang kami habang binubugbug ako ni Ella.

“bwisit ka! Palagi mo nalang pinapasakit yung ulo ko!”

“dapat ikaw yung nasa posisyon ko e. bwisit ka talaga!”

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now