TWENTIETH WING

10.4K 218 14
                                    

TWENTIETH WING

Day 20 of 30

Alyssa’s

Pagkatapos ng double date na yun mas lalo ko pang pinag-isipan at pinakramdaman ang lahat ng pangyayari samin ni Den.  Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya kapag magkasama kami, at hindi nakakaligtas sakin ang pamumula ng pisngi nya sa twing mahuhuli nya akong nakatitig sa kanya.

Tila nabaligtad nga ang nangyayari samin ni Den e. Ngayon kasi ay ako na ang nangungulit sa kanya. At hinid ko ba alam, hindi ako touchy na tao, siguro sa ate ko, pero kay den nagiging clingy ako.

Akbay dito.

Holding hands doon.

Side hugs dyan.

Tapos pag may chance back hug.

Yan ako kay den ngayon. Panay nga ang tukso samin ng mga teammates namin e. Syempre sa pangunguna ni Marge.

Confirmed!

I Love Dennise.

Siguro magugulat ang iba dahil parang ang bilis naman, wala pa nga kaming isang buwang magkakilala e. 20 days pa lang kung tatanungin ako ng eksaktong bilang.

Pero anung magagawa ko? Hindi mahirap mahalin si Dennise.

I think she is the most wonderful thing that happens to me.

And she made me love photography even more, with her being my favorite subject.

But I love her morethan photography.

She’s my daily dose of sedatives. My daily dose of anisthetics.

Everything seems to be calm, relaxing ang light when she’s around.

I love what I’am when I’m with her.

Sila naman ni Jia mukang maganda rin ang progress. 9 days na rin ang nakalipas nung naaksidente sya. babawasan na raw yung cast nya sa binti. Kaya pupunta kami nila Den at Marge sa kanya ngayon..

Sasabihin ko na rin kasi sa kanilang lahat ng mahal ko na sin Den. Tamang tama nandun sila ate at kuya kaya naman mas maganda yung time na yun.

“Ano ba Moks bilisan mo naman! Kanina ka pa dyan sa salamin e!” iritang sigaw ko Marge sa puno ng hagdan. Pano ba naman kalahating oras na ata kami naghihintay ni Den sa kanya dito sa sala.

“Wait lang Moks malapit na!” ganting sigaw din nya

“Kanina mo pa sinasabi yung malapit na yan e! Pag di ka pa lumabas dyan iiwanan ka na namin ni Den!” siagw ko ulit sa kanya

“Hoy bakit ba kayo sigawan ng sigawan dyan ha?!” inis na sabi ni Ella. Galing ito sa kanyang kwarto.

“Pano si Marge ang bagal kumilos” rekalamo ko

“Eh bakit kailangan pang sumigaw? Pwede naman sigurong umakyat ka sa kwarto nya ah!” iritang sabi pa rin nito

“Bakit ba ang sungit mo pots? Meron ka ba?” tanung ko dito. Ang aga aga kasi nakataas ang kilay.

“Kung sabihin ko sayong meron at dahil sa inistorbo mo ang tulog ko ay gusto kitang patakbuhin ng 100 laps sa oval papalag ka ba?” sabi nito habang naka-cross arm pa

“aww wag naman pots. Eto na nga tatahimik na” sabi ko tapos nginitian ko sya ng pagkatamis tamis

“hindi mo ko madadaan sa pangiti ngiti mo Alyssa ha. Kahit na cute kang tingnan ngayon naiinis pa rin ako sayo! hala layas! Para naman tumahimik dito sa dorm kahit ngayong araw lang.” Sabi nito saka tumalikod na at naglakad papasok sa kwarto nya ulit

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now