ELEVENTH WING

13.5K 255 27
                                    

For the first time in my life may tumawag sakin ng gangster. grabe lang. Natawa na lang ako e. try ko kaya??

the thought of her thinking of me as a gangster caught me off guard,  but its cute anyway. hahaha. this update is for you. impatient pink fairy :)

Update guys!

enjoy Reading :)

===========================================

ELEVENTH WING

day 8 of 30

Alyssa's

5 am in the morning, bumabyahe na kami papuntang batangas. Habang sakay ng bus ay nakatanaw lang ako sa bintana. Ang katabi ko ay mahimbing na natutulog at nakasandal sa balikat ko. Hawak hawak nya ang kamay ko. At kahit na natutulog sya ay mahigpit pa rin ang hawak nya sa kamay ko. kanina ay sinusubukan ko pa itong tanggalin pero ang higpit talaga ng hawak nya kaya hinayaan ko na lang.

Nagtatalo pa nga kami kanina bago kami umalis ng dorm.

Pano ba naman kasi hinawakan nya na ang kamay ko kahit nasa dorm pa lang kami.

“Anung ginagawa mo?”

“di ba sabi ko sayo hahawakan ko ang kamay mo at hindi ko bibitawan?”

“Oo nga pero wala pa naman tayo dun sa school namin”

“Basta kasi!”


“Baka mamaya may makakakita pa. Kung ano pa isipin nila”

Hindi nya talaga binitawan yung kamay ko kahit sandali. Kahit nga magkakamot sya ng ilong nya hindi nya pa rin bibitawan yung kamay ko. She's still annoying but she can make me calm at the same time. How can you do that dennise? What's with you?

She's a total stubborn. She never listen to me but she makes me listen to her.

Even my teammates seem to lighten their mood up whenever she's around. Sa training parang hindi sya napapagod. Kaya naman kahit pagod na pagod na kami parang gumagaan yung atmosphere kapag nandun sya, yung mga pagpuri nya sa trabaho ng iba. Yung pagsasabi nya ng “okay lang yan. Bumawi ka na lang” pag nagkakamali yung iba.

Ang talagang nakakainis lang ay yung mga panunukso sakin ng ibang mga teammates namin sa pamumuno ni Marge na kesyo may namamagitan daw samin ni Dennise. Hay.

Gumalaw sya at ikinapit ang isang kamay sa bewang ko na sya naman ikinagulat ko. Kaya naitulak ko sya ng bahagya sa kabilang gawi ng upuan. Di pa rin ako sanay sa pagiging clingy nya.

Pagtingin ko sa katapat naming upuan ay nakita ko na nakatingin ng masama sakin yung isang nanay. Kaya naman napilitan akong kunin ulit si Dennise at isandal ang ulo nya sa balikat ko. Tapos binigyan ko si Nanay sa kabilang upuan ng isang akward na ngiti.

Hay face palm momet!    >_____>

makalipas ng ilang oras na byahe  ay huminto na rin ang bus sa terminal.

“terminal na po tayo!” sigaw ng kundoktor

nagumpisa ng magbabaan yung mga ibang pasahero. Hinintay ko munang makaalis yung mga iba.

Aish. Yung katabi ko tulog mantika. Itutulak ko na sana ulit sya palayo pero napansin ko na may isang pares ng mata na nakatingin sakin. Nung tiningnan ko, si Nanay nakatayo sa aisle at nakatingin sakin. Take note, ng masama!

My Death Angel... My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon