TWENTY-FIRST WING

9.6K 282 32
                                    

TWENTY-FIRST WING

Demons’ Interruption..

Alyssa’s

“Dad..” tawag ko sa daddy ko matapos kong makita yung lapida nya.

I touch his name engraved on the stone.

“Dad bakit nila sinasabi yon?”

“Hindi mo naman ginawa yun diba?”

Kinakausap ko ang puntod nya habang patuloy na umiiyak. Hindi ako makapaniwala, hanggang ngayon lahat ng mga sinasabi nila ay parang kalembang na paulit ulit ume-echo sa utak ko.

“It’s not you dad. Hindi ikaw yung tinutukoy nila dun. I know you. Kung sila ate at kuya ay nagpadala sa kanya ako hindi dad.  I love you dad. Sana hindi mo na lang kami iniwan agad. Siguro hindi ako ganito ngayon”

I’m talking to dad as if he’s going to answer me back.

“Gusto mo bang makausap ang daddy mo?” napalingon ako sa nagsalita. Isang middle age na babae ang nakatayo sa aking gilid.

Kunot noong tumingin ako sa kanya. Is she crazy? Talk to dead? Is that even posible?

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. I know it’s rude pero gusto ko lang icheck kung sya ba yung tipong baliw na pagala sa kung saan saan. Pero she doesn’t seem to be one. Maayos naman ang suot nya at mukang may kaya to sa buhay

“Po?” yung lang ang tanging nasagot ko sa kanya

“Alam ko. Masakit ang mawalan ng minamahal sa buhay. Ang asawa ko, sya ang dinadalaw ko rito.” Sabi nya habang nakatingin sa lapida ni Dad.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Wings’ View

 

 

Dumating sa simenteryo si Alyssa na gulong gulo ang kalooban sa lahat ng natuklasan niya. Hindi matanggap ng sistema nya ang lahat ng katotohanang sumabog sa harapan niya. Ayaw nyang magkaroon ng pagdududa sa ama ngunit hindi nya maiwasang isipin ang mga bagay na iyon dahil sa ang kanyang ate at kuya ay paniwalang paniwala dito.

Isang middle age na babae ang lupamit sa puno ng galit at pagkalitong dalaga.

“Gusto mo bang makausap ang daddy mo?”

Lumingon naman ng may bakas ng pagtataka si Alyssa rito.

Sa unang tingin ay aakalain mong isa lamang itong simpleng eksena kung saan ang dalawang taong naghihinagpis ay magkakaroon ng isang maliit na usapan tungkol sa kung sino ang dinadalaw nila sa lugar na yon.

Ngunit sa kanila ng tanung na iyo ay ang maitim na intensyon ng ginang.

“Po?” puno ng pagkalitong tanung ng dalaga

“Alam ko. Masakit ang mawalan ng minamahal sa buhay. Ang asawa ko, sya ang dinadalaw ko rito.” Tila nakikisimpatyang tanung nito. Isang tanung upang hindi mahalata ang nakatagong pakay sa dalaga

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now