FIFTHTEENTH WING

10.1K 244 14
                                    

FIFTHTEENTH WING

(play the song on the side.. I know that song isn't perfect enough for sisters, but at least it describes the feeling of being sorry..)

Continuation....

 

Alyssa’s

Nung nakita kami  ni Marge sa ganung pwesto ay hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi  ko alam kung anong sasabihin ko kung kaya naman natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo palayo sa kanilang dalawa. Alam kong hinabol ako ni Julia pero wala akong balak na hayaan syang makalapit sakin. Ito na ata yung araw  na kinakatakutan ko. Hindi  ko na ata talaga maiiwasan ang pagtatanung ni Marge.

“Ate san ka ba pupunta?” narinig kong sigaw sakin ni Julia

Mabilis akong nakatawid sa kabilang kalye, salamat na lang at nag-go na ang traffic light kung kayat hindi na nya nagawang sumunod pa sakin.

“Ate!”

“Ate Alyssa!”

Ilang ulit kong narinig ang pagtawag nya sa pangalan ko.

Pero ilang sandal lang ay isang malakas na sigaw ang narinig ko. Hindi si Julia na tinatawag ang pangalan ko. Kundi ang nakabibinging sigaw ni Marge.

“Jia! No!!!!!!”

Nung marinig ko ang sigaw na yun ay agad kong nilingon ang kinaroroonan ni Julia.

At kasabay ng pagbaling ng aking paningin ay isang nakabibingin tunog na naman ang pumainlang ssa boung kalyeng kinaroroonan namin.

*Screeeeeeeeeech*

Tila ako binuhusan ng malamig na tubig sa nasaksihan ko.

Si Julia. Nabunggo ng isang walang habas na matuling sasakyan. At sa sobrang lakas ng impact ay pumaibabaw pa sya sa harapan ng kotse.

Parang slow motion ang lahat.

Mula sa pag ibabaw nya sa sasakyan hanggang sa unti unti  nyang paggulong paibaba sa kalsada.Napuno ng bahid ng dugo ni Julia ang salamin ng kotse.

Walang malay  syang bumagsak sa kalsada.

Mabilis na tumakbo sa kinaroroonan  nya si Marge. Samantalang ako ay  natulos lang sa kinatatayuan ko.

Agad nyang dinaluhan si Julia at pinatong ang ulo nito sa kanyang hita. Umiiyak sya habang  marahang tinatapik ang pisngi nito upang subukang gisingin.

Lumabas ng driver ng sasakyan at panay ang hingi ng paumanhin sa  nangyari. Na hindi nya raw ito sinasadya.

Naulit na naman.

Parang tubig na ibinuhos sakin ang alaalang kahit sa panaginip ay bumabagabag sakin.

Ang imahe ni Ate na duguang nakahandusay sa kalsada nung hinabol nya ang paalis na si Mommy nung mga bata pa kami.

Hanggang sa eksenang nasa harapan ko ngayon.

Parehong pareho..

Yung pangyayari..

Yung duguan nilang mga katawan..

Unti unti ng nagsisimulang manginig ang buong kalamnan ko..

Mabilis na binabalot ng takot an puso ko..

My Death Angel... My Love!Where stories live. Discover now