TWELFTH WING

12.1K 260 19
                                    

TWELFTH WING

day 9 of 30

 

 

Alyssa's

Kahapon napagpasyahan namin ni Den na magpalate talaga ng uwi para naman hindi na namin harapin pa yung pang-iinterogate ng mga teammates namin. Pero syempre bilang si Ella yung Captain namin hinintay pa rin nya kami. Pero bilang ako si Alyssa na magaling umiwas sa usapan, napapayag ko sya na bukas na lang kami pagalitan dahil may mga pasok pa kami bukas at kailangan din naming magpahinga.

Todo asar naman sakin si Margarita kaninang umaga. Kala daw nya tinanan ko na si Dennise. Loko loko talaga yun!

I was preparing my things for our afternoon training when Ella enter our room and locked the door.

“anong ginagawa mo?” huminto ako sa paglalagay ng gamit sa duffle bag ko.

“Mag-usap tayo” seryosong sabi ni Ella.Umupo sya sa upuan sa study table ko.

Ako naman ay umupo sa kama ko paharap sa kanya

“tungkol saan?” seryosong sabi ko rin. Ella was one of my closest friend dito sa dorm. Batch mate kasi e. pero hindi katulad kay Marge na nagsasabi ako. Ella is more of like a nagging mother when it comes to me. Pag sakin lagi syang seryoso. Di ko alam kung bakit ganun sya. Eh ang ingay at ang kulit kaya nyan sa personal.

“Alam mo kung anong pag-uusapan natin” sabi nya sakin. Crossed arm. Looking at me as if  I made a crime.

“Okay if this is about last night --” di nya na pinatapos ang sasabihin ko

“This is not about last night. Well partly na rin. Napapansin ko lang na lagi kayong magkasama ni Dennise. Kala mo hindi ko alam yung mga paglabas labas nyo ni Dennise sa gitna ng gabi ha” nakataas ang kilay na sabi nito sakin. She's not actually asking me but stating that she knows everything.

“Okay so?” tanung ko

“So? Anung So? I know what you're doing Alyssa. Teammate natin sya. At alam mong pinagbilinan kayo ni Coach” iritableng sabi nito

“I don't get you” nakakunot noong sabi ko sa kanya. Ano ba kasing gusto nyang sabihin? Bakit hindi na lang nya ako diretsuhin. Ayokong ayoko yung ganitong conversation na marami pang paligoy ligoy.

“now your playing innocent huh?” sabi pa nito

“bakit hindi mo na lang kasi ako diretsuhin ha?” I said matching her intensity.

“Are you into Dennise?” tanung nya

“What?! No!” she's crazy. Ano bang iniisip ng isang to

“Eh bakit ganun yung mga kinikilos mo? Lagi kayong magkasama. You treat her differently. Alyssa alam mong sinabi ni Coach na wag nyong isasali sa laruan nyo ang mga teammates natin. Kayong dalawa ni Marge” sabi nya. Oo natatandaan kong kinausap kami ni Coach about dun after sa nangyari kay Gretch at Fille na nakagulo sa buong team na kinatalo namin nung last season

“I’m not playing with her! She’s my friend! Bakit ba ganyan nyo na lang kami pag-isipan ni Marge?!” naiinis na sabi ko.

“You don’t have to look guilty if your not. Basta I warned you. Kayo ni Marge. She’s eying Jia.” Sabi ni Ella na nagsaign pa ng I’m-watching-you-two gamit yung dalawang daliri nya bago umalis ng kwarto namin.

Kinuha ko yung unan at saka ko binato sa pintuan.

Aish!  Bakit ba ganun sila samin ni Marge? Porke kasama kami ni Gretch sa mga kalokohan nya at ganun din ang gagawin namin? Wala man lang sya katiwa-tiwala samin. Nakakainis. Fvck! Humiga ako sa Bed ko habang nakalawit pa yung paa ko sa sahig. Itinakip ko ang braso ko sa mata ko.

My Death Angel... My Love!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant