TWENTY-SECOND WING

11.2K 271 21
                                    

TWENTY-SECOND WING

Day 21 of 30

Den’s

“Den sabihin mo nga, ano ba talaga nangyari sakin? Bakit wala ako masyadong matandaan sa nangyari kahapon?” tanung ni Ly sakin. Nasa kwarto lang kami dito sa dorm. Nakahiga sa bed namin. Ako nakaunan sa braso nya tapos sya naman ay nilalaro ang buhok ko.

“Diba sabi ko nga sayo pagdating ko dun nakita na lang kita na nakahiga sa damuhan at natutulog” sagot ko sa kanya. Nagpapasalamat na rin ako na wala syang naaalala sa nangyari. Maaaring hindi kinaya ng utak nya na iabsorb yung pangyayari kahapon kaya pinili nalang nito na kalimutan iyon.

“wierd!” sabi nya. Hay. I bet she’s not letting go of the topic.

Half true naman yung sinabi ko sa kanya. Totoong nakatulog sya. Pero yun ay after kong maialis sya sa ilalaim ng pagkahipnotismo ng mga demonyo.

Matagal tagal din syang nakatulog sa hita ko, nung magising nga sya ay wala na syang naalala. Yung braso ko naman panaka nakang sumasakit pa rin.

Pero kaya ko naman ng tiisin. Buti na lang at may dala silang tubig galing sa bukal kung hindi ay di ko alam kung buhay pa ko ngayon. Buti na lang talaga.

“Den!” dinig kong tawag ni Ly sakin

“ha?” sagot ko

“your zoning out. May problema ba? “ tanung nya sa nag-aalalang boses.

“Bakit?” tanung ko na nakakunot ang noo

“Anung bakit? Kanina pa kita tinatawag dyan. Di ka sumasagot. Imposible namang di mo naririnig e magkatabi na nga tayo” sabi nito

“Ah ganun ba?” matamlay na sagot.

Tinanggal nya ang pagkakaunan ko sa braso nya, bahagya syang pumaibabaw sa akin. Nakatukod ang braso sa higaan at ang isa namang kamay nya ay hinaplos ang pisngi ko.

“You have a problem. Do you? Hindi ba dapat ako ang problemado dahil sa narinig ko kahapon? eh bakit parang ikaw yung may problema? Did something happen pagkaalis ko ng hospital?” nakakunot noong tanung nya sakin

“nothing. Nothing happens. Akala ko lang kasi hindi kita mahahanap kahapon. Sobra akong nag-alala” sabi ko. Kinawit ko yung braso ko sa batok nya at hinapit sya para yakapin.

Nakasubsub ang muka nya sa leeg ko. Habang nakayakap sya sa bewang ko.

Totoo yun. Natakot talaga ako kahapon. Akala ko hindi na ko aabot. At kung nahuli pa ako ng ilang sandali babalik ako sa taas na bigo sa aking misyon. Hindi lang ang Ama at si Archangel ang bibiguin ko. Kundi pati ang puso kong natuto ng mahalin si Ly.

“but you did. Nahanap mo ko. Pag-gising ko nandun ka na. Alam mo hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung pano mo nagagawa yun. Kahit san ako pumunta you seem to have a way para mahanap ako. Sometimes you’re creeping me out na nga e. May sa mangkukulam ka ata Den e” tumatawang sabi nito.

Hinampas ko nga sya sa balikat.

“aww masakit yun ha” tumatawa pa ring sabi nya. At kahit hindi nya ko nakikita, i rolled my eyes.

“I know, you’re rolling your eyes Den” sabi nya

“ewan ko sayo. Basta mangako ka. You will never ever going to run away again. Not unless I’m with you” sabi ko. Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. I can’t get enough of her. Nung nangyari yung kahapon pakiramdam ko parang mawawala sya ng mawawala kaya nga gusto ko lagi ko syang nakikita. Lagi ko ng hawak ang kamay nya. At sana lagi ko syang yakap.

My Death Angel... My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon