Chapter 5

2.2K 72 2
                                    

Kurt's POV

Saktong dumating na kami sa school at pababa na ng walang kasing kintab na sasakyan ni Kayesha nang biglang magdilim ang langit.

Napapitlag kami nang kumidlat at magsunod-sunod ang kulog, pero hindi umuulan.

Bumaba na kami ng sasakyan. Pagbaba namin ay umalis din agad ang butler ni Kayesha.

Naagaw ng mga nagsisigawang mga estudyante ang atensiyon namin. Karamihan ay galing sa iisang direksiyon lang.

Nagtataka kaming tatlo na napatingin kay Suzy.

"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo? Ha? I am not behind all these," sabi niya.

"Kung hindi siya... sino?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Kylene sa sarili.

Patuloy ang mga estudyante sa pagtakbo palayo sa isang parte ng building.

Agad kaming nagsimulang lumapit kung saan 'yon, walking opposite to where the students are rushing to.

'Aah! Halimaw!'

'She's a monster!'

Muli kaming napahinto at nagkatinginan.

Maya-maya lang ay lumakas ang ihip ng hangin. Tila ba kaya ng lakas nitong liparin ang lahat ng nandito.

Sobrang nakakarindi ang ingay ng mga estudyanteng nagtutulakan na sa pagtakbo.

May ilang gurong hindi paawat sa pagpapakalma ng mga hindi nakikinig na mga estudyante.

"Monster?" puno ng pagtatakang inulit ko ang sinasabi ng karamihan.

"Wait," sa ikalawang pagkakataon ay napunta ulit ang mga tingin namin kay Suzy. "Guys... oh, my gosh," Suzy is also shocked and seems to cannot believe what she is about to say.

"What happened, Suzy?" tanong naman ni Kylene na nalilito na.

"I... found the princess," magkahalo ang tuwa at gulat niyang sabi.

Tumingin siya sa 'min at pareho kaming lahat na napangiti.

Sa wakas.

Pagkatapos ng mahabang panahon, nahanap na rin namin siya.

But everything seems off. What is happening? Is the princess using her power? But for what? For who? Why?

"Sundan niyo 'ko," Suzy ordered.

She has the power to feel the presence of the princess only when the princess is using her power. With the help of the power Suzy has– the dark air, I know we can trust the words of the princess of the Dark Air Kingdom.

Sa sobrang pagmamatyag ko sa nangyayari sa paligid, hindi ko napansin agad ang pagtakbo ng mga kasama ko. Agad akong sumunod at napadpad kami sa harap ng girls' comfort room.

Nakita namin ang nakaluhod na babae, pinapalibutan ng kakaibang aura. Sobrang lakas.

Teka.

Kayesha?

Lahat kami ay gulat na gulat except kay Kylene na para bang may alam

Why we can communicate with her through telepathy.

Why she can easily read our minds.

I was so stupid for not noticing that.

Bago pa man tuluyang bumagsak sa malamig na sahig ang katawan ni Kayesha ay sinalo na siya agad ni Eros.

Kasabay ng pagbagsak ng katawan niya ay ang pagtigil ng lahat.

Nawala ang mga kulog at pagkidlat, huminto ang malakas na hangin, tumigil sa pag-agos ang tubig sa mga gripo, nawala ang mga apoy na dulot ng aura niya.

     "THE SACRED BOOK"Where stories live. Discover now