Chapter 20

1K 40 4
                                    

(Yung Picture na nasa itaas sina Reyna Ferinina at King Fireo po yan)

 (Queen Ferinina & king Fireo)

Kayesha's POV

"Bakit tayo nandito ulit?"

"Gusto ko lang na ipakilala ka kay King Fireo," sabi ko.

Positive. Hindi kilala ni Ash ang hari.

Saglit na hindi umimik si Ash.

"King Fireo...?" patanong niyang banggit. "So kilala mo po si reyna Ferinina?" tanong ni Ash.

Nginitian siya ni Fireo at tumango. "Oo, iho," Fireo responded as if he's reminiscing something very valuable. A memory he is willing to hold na para bang kahit buhay niya ang kapalit ay panghahawakan niya ang aalalang 'yon. "My beloved."

Saglit kaming nagkatinginan ng kasama.

"The forbidden love..." Hindi ko alam kung bakit ko naiwika 'yon, but those three words seems to hold a very heavy story na alam na alam ko pero hindi ko naman alam.

Camille's POV

"Nawawala na naman ang dalawa," bulong ni Shaine, nananatili ang mga mata sa gurong nagtuturo sa harap.

Inilapit naman ni Davis ang ulo sa amin at naki-bulong na rin, "Malamang nag-date na 'yon dahil parang bati na sila kanina."

"Hala! Oo nga, 'no?!" napalakas ang boses ni Shaine kaya napunta sa amin ang atensiyon ng aming guro.

"What kind of behaviour is that Princess Shaine?" nakataas ang kilay na pagtawag nito sa katabi ko.

Sigh. Mukhang magtatagal kami ngayon sa loob ng classroom na 'to.

Kylene's POV

(Back in the Dark Kingdom)

"Wahh!" I stretched my arms up. "Miss ko na si Iris."

Rinig din ang mabigat na bugtong hininga ni Suzy. "Ako rin, kahit ang cold no'n miss ko na siya."

Naagaw ng tumikhim ang atensiyon namin. "I have a plan." sabat ni Ethan.

"Ano namang kalokohan 'yan?" mataray na bwelta agad ni Suzy.

Ngumisi si Ethan, "Mag-transfer tayo sa Light kingdom," sagot nito.

Saglit na nanlaki ang mga mata namin, pero napangisi na lang din.

"Oo nga, 'no?"

Suzy's POV

"Oo nga, 'no?"

Naparolyo ako ng mga mata.

"Hindi ka ba sang-ayon sa planong 'yon, Suzy?" tanong ni Ethan.

Pairap kong binalik sa kaniya ang tingin. "Syempre sang-ayon," sagot ko at nagtatatalon sa tuwa. "Ba't ba ngayon mo lang sinabi 'yan," I excitedly slapped his arms at patalon-talon na niyakap si Kylene.

Sa wakas magkikita-kita na ulit kami.

Third Person's POV

Makikita ang isang taong hinihilot-hilot ang kaniyang sentido. Sumasakit ang ulo nito kaiisip tungkol sa posibilidad na mangyari ulit ang nangyari na noon.

"Don't worry, princess Helliana and prince Anderson. Darating ang panahon na lalabas din ang lahat at wala nang itatago pa sa inyo."

@redmigtak

Hi! nagbabalik nanaman ang pinakamaganda niyong awtor ,wag kalilimutan mag subscribe este mag comment and vote hihi 😎

     "THE SACRED BOOK"Where stories live. Discover now