Chapter 12

1.4K 65 8
                                    

Anderson's POV

Nandito ako ngayon sa tambayanan ko. I call it secret garden.

"Malapit na ang bagong taon, ilang oras na lang," I sighed as I gave it a thought.

New year, new shits.

Tumayo ako, nangangalay na rin kasi ang pwet ko kakaupo. I took my way back to my room to fix myself. Magbabagong taon na, dapat salubungin na maayos ang paligid.

Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang makalat kong silid.

Napasuklay ako ng buhok gamit ang mga daliri, out of a bit of frustration, maybe.

Punas dito, walis doon.

Kahit na lalaki ako, marunong akong maglinis. Ayaw ko rin kasing ipinapasa sa mga katulong ang gawain, especially when what belongs to me are involved. I don't really like it when other touch my things.

I was about to take a sit, but before I could even pull a chair three knocks on the door echoed.

"Come in," voice sounds tired, I uttered.

"Prince Anderson, p-pinapatawag ka ng m-mahal n-na hari at reyna," utal-utal niyang sabi. She can barely speak properly. Ano bang kinakatakot niya sa 'kin?

"Okay," simpleng sagot ko na lamang.

I took a quick shower and went to see my parents.

"Ma, Pa," tawag ko sa kanila. They gave me their sweetest smiles.

"Oh, anak, tama lang dating mo. Tara na sa labas," masiglang aya ni Mama.

"Happy New Year," I greeted.

"Happy New Year, son," they greeted back in unison.

Tunog ng mga hakbang lamang namin ang nagbibigay ingay sa tahimik na pasilyo ng kaharian. We are walking our way out of the castle to meet and celebrate with our people.

"Bago ko pala makalimutan, anak," pagbabasag ni Papa sa katahimikan. "I want you to complete a task this coming birthday celebration of the queen of the Darks," he commanded.

He look serious but happy, as if planado na niya sa isip ang ipagagawa.

The joy and excitement I was feeling disappeared in an instant.

I was stupified and almost stopped walking. Nevertheless, sinabayan ko pa rin ang bawat hakbang nila.

"Pa, ayaw ko na. I told you already, I will no longer accept missions," inis kong sagot sa kaniya.

Ang matikas nitong tindig ay mas lalong naging ma-awtoridad. I did hit a nerve.

"Explain," there was no anger on his tone, but there was a threat on how he placed his hands behind his back.

Lagi niya na lang ako dinadaan sa ganito, sa pagpapakita niya ng kapangyarihan. Hari siya, pero hindi ko siya katatakutan. I can now decide, alam ko na ang tama at mali.

When it comes to this kind of topic, alam kong mali agad ang pumayag ang gawin ang gusto niya.

"Pwede ba, Pa? Ayaw ko nang may madamay na naman sa mga walang kwenta mong pinapagawa," I raised my voice unconsciously which caught my mom's attention.

Nang mapatingin sa akin si Mama, agad dumapo sa pisngi ko ang palad niya.

She slapped me.

Masakit ang sampal, pero mas masakit na mismong Mama ko ang gumawa no'n.

     "THE SACRED BOOK"Where stories live. Discover now