Chapter 3

32 1 0
                                    

Since kakasimula palang naman halos ng klase, hindi pa ako masyadong busy sa requirements and exams. Buong weekend lang kami nagkulong ni Sherinn sa maliit na apartment namin at nag marathon ng mga American series.

In between that, pinipilit niya ako na mag-stalk ng social media accounts nung JK Jimenez na yun pero lagi ko lang siyang tinutulak palayo. Ayokong mag-aksaya ng panahon sa taong yun. Kita na nga niyang napaka-half assed ng sorry niya sa akin nung nakaraan eh. Di ko maintindihan bakit gumawa pa sila ng eksena sa lobby kung hindi rin naman sincere yung sorry niya.

Hindi ko din alam kung ano yung pa-andar ng ate niya na according kay JK ay yung nagpilit na mag-sorry siya sa akin. Ano ba naman kasi mapapala nila diba? Tapos na eh. Naalog na yung utak ko. Okay lang kasi hindi naman nabawasan yung talino ko. Ata.

So the next week flew by like a blur. Kapag wala kasi ako sa school ay nasa apartment lang ako. Sabi nga ni Sherinn napaka-boring daw ng buhay ko. In my defense, ngayon lang naman naging boring nung... ikinasal na si Xavier.

Dati naman kasi lagi kaming umaalis. Nung hindi pa kami, lagi niya akong wingman sa mga lakad niya. Kaya nga hindi na rin ako sumali sa kahit anong organization sa school noon kasi lagi naman kaming busy ni Xavier.

Pero syempre ngayon na nagulo na lahat, I found myself looking forward to nothing. Kung hindi pa ako kakaladkarin ni Sherinn ay hindi naman ako lalabas. Wala na rin ako masyadong lakad dahil bukod sa wala nang taga-libre sakin ay iniiwasan ko na rin ang mga kaibigan namin.

I sighed. Sobrang laki ng pinagbago ng buhay ko nung nawala si Xavier.

Speaking of that devil, lagi parin siyang tumatawag sa akin. Maraming beses na akong na-tempt na sagutin ang tawag niya. (Read: lagi akong natetempt.)

Pero proud ako na napaninindigan ko yung decision ko. Masakit pero kailangan doon ako sa tama. Mabuti nga at nagdecide siyang mag-transfer ng school pagkatapos ng nangyari. Hindi ko siguro kakayanin kung araw-araw ko siyang makikita at ang wedding ring na nakasuot sa daliri niya.

"Aurea, may org meeting pa ako ng 7pm. Mauna ka na umuwi ha?"

May iilang subjects na magkaklase kami ni Sherinn tulad nito. Dapat ay sabay kaming uuwi since wala naman na kaming kasunod na class pero pag ganitong may org meeting siya, umuuwi ako mag-isa. Ayos lang naman since maiksi lang naman ang biyahe.

"Sige. Mauna na akong umuwi."

Nagpaalam na ako at naglakad na palabas ng building. Sa totoo lang, sobrang sakit ng ulo ko talaga ngayon. Napuyat kasi kami kagabi kakanood nanaman.

Sabi ko naman kasi kay Sherinn sa weekend na kami manood eh! Kaso yung babaita hindi na makapaghintay kasi nasa climax na kami ng kwento. Ayan tuloy, 3AM na kami natapos.

Now, I am facing the consequences of that action.

Mabagal akong naglalakad palabas ng building nung mapatigil ako sa nakita ko.

Shit! Xavier was right outside our building! Sakto naman na biglang tumunog ang cellphone ko.

Xavier:

I'm outside CSS building. Can we talk?

I panicked. Siguro sobrang weird ko dahil ako na nga itong hinahabaol nung taong mahal ko, ako pa ang umiiwas. Pero sigurado ay may makakaintindi din kung bakit ko 'to ginagawa.

Nagmadali akong tumalikod at nagtago sa isang sulok. Damn it! Kung kelan naman gustong gusto ko na umuwi! At doon pa talaga siya naka-abang malapit sa jeepney stop! Palibhasa kasi alam niya na doon ako sumasakay.

Napasilip ako ulit. Patingin-tingin si Xavier sa phone niya at sa entrance ng building. Siguro naman ay hindi siya aalis sa pwesto niyang iyon kaya dali-dali akong naglakad papunta sa side entrance ng building. Nakasarado 'to nung first week ng classes dahil nirerenovate pero buti nalang ngayon ay pwede nang daanan ng students.

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now