Chapter 12

27 3 0
                                    

The rest of the weekend passed by like a blur. Buong Saturday ay nasa apartment lang kami ni Sherinn dahil sa malalang hang over. Nangako kami sa sarili namin na hindi na kami magpapabulag sa libre nila Caden. Hindi na ako iinom ng Jack Daniels na 'yon! Hashtag never again!

Mabuti nalang at walang pasok sa Springfield tuwing Monday kaya pahinga lang kami noong araw din na 'yon.

Now it was Tuesday, at masaya ako dahil wala pang masyadong requirements ulit sa klase since kakatapos palang ng exam.

Mag-isa ulit ako uuwi dahil may event ata sa isang org ni Sherinn na required ang attendance nila.

Kakatapos lang ng klase ko sa CAL at naglalakad ako papunta sa mga kiosk malapit sa field. Gusto ko kasi sanang mag-merienda bago umuwi.

"Don't let me catch you, you fucker!" Napatigil ako sa paglalakad sa sigaw ni Kirsch.

Biglang dumaan sa harap ko si Vonn na tumatakbo palayo kay Kirsch habang humahalakhak.

"It's for a good cause dude!" Sigaw pabalik ni Vonn bago tuluyang makatakbo papunta sa parking area.

Bigla namang tumigil si Kirsch sa harap ko na hingal na hingal. Hindi ako maka-alis kasi nakaharang siya sa harap ko. Tulad ni Vonn, naka-soccer uniform pa siya. Mukhang kakatapos palang ng soccer training nila.

"Anyare sayo?" tanong ko. Pwede ko naman siyang lampasan pero na-curious ako dahil mukhang bwiset na bwiset siya kay Vonn.

"That fucker signed my name up for a volunteer clean up drive around campus."

Tumayo siya sa harap ko. Hindi na siya masyadong hinihingal pero pansin parin ang pagtaas-baba ng chest niya dahil sa lalim ng hinga niya. Halos dikit na rin iyong buhok niya sa noo niya dahil sa pawis.

"Ayun lang naman pala eh."

Ano kaya problema niya dun? Eh for a good cause naman.

"Tch. You don't get it."

"Bakit ayaw mo? For a good cause naman! Palibhasa mga RK na tulad mo hindi sanay maglinis." Sermon ko habang nakahalukipkip pa sa harap niya.

"I'm the only guy in that clean up. That's the problem." He explained.

"Oh."

Wala na akong maisagot. Ano ba dapat sabihin ko dun? So may campus clean up tapos puro babae kasama niya. Ano naman?

Hindi ba siya pwedeng mag backout dun?

Ugh. Ano ba 'tong naiisip ko?

"Anyway, where are you going?" Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa kaya naconcious ako.

Tumikhim ako bago sumagot. "Merienda sa kiosk."

Kumunot ang noo niya. "Sa kiosk? Ano naman kakainin mo diyan?"

I shrugged. Hindi ko pa inisip 'yon kasi balak ko naman na doon na magdecide. "Pancit canton siguro."

"Tss. That's junk food, Aurea." Pangaral niya sa akin.

"Oo nga. And so?"

"And so?" Parang di siya makapaniwala sa sagot ko. "That's bad for your health. Para kang kumakain ng basura."

Oo nga pala. Athlete pala itong kausap ko.

"Asus! Wag mo nga sa akin ibaling 'yang pagiging health concious mo. Hindi naman ako nagpapa-sexy."

Umiling siya na parang nag-give up siya na makipag-rason sa akin.

"This won't do." Bulong niya bago hawakan ang palapulsuhan ko.

Save Me, Save YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ