Chapter 22

20 1 0
                                    

Kumaripas ako ng takbo palayo kay Kirsch. Hindi ko siya nililingon kahit sinisigaw niya ang pangalan ko.

Para akong baliw talaga but my brain was on flight mode. Nakakahiya!

Hindi ko tuloy alam kung ano na! Jowa ka na ba siya? Joke lang ba yun? Ah ewan!

Agad kong hinanap si Sherinn at nakitang hawak na niya yung bag namin pareho.

"Aurea! Nakakaloka ka! Aalis na yung bus, ikaw nalang kulang." Lumapit ako at kinuha ang bag ko sa kanya.

"Aurea, wait!" Nakita kong malapit na si Kirsch kaya hinila ko si Sherinn at tumakbo na kami papunta sa bus.

"Amazing race ba bakla? Bakit tayo tumakbo?" Tanong ni Sherinn nung makasakay na kami.

Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa labas ng bintana. Hingal na hingal ako sa ginawa ko.

Napansin kong kausap ni Kirsch ang kuya niya at si Vonn. Siguro tinawag siya kaya hindi na niya ako nahabol.

Napahinga ako ng maluwag lalo na nung umandar na ang sasakyan. Ikakalma ko muna ang sarili ko. Bukas ko na siya kakausapin ng maayos.

-----

Kirsch Jimenez: why did you say that and ran like I was gonna kill you? Na-offend ako ah

Kirsch Jimenez: where are you?

Kirsch Jimenez: what am i gonna do with you woman

Bumungad sa akin ang mga text messages ni Kirsch pagkagising ko kinabukasan. Agad na rin kasi ako nakatulog pagkauwi namin sa apartment dahil sa sobrang pagod. Late na rin kami nakauwi dahil ang lala ng traffic.

Hindi ko naman talaga balak siyang tulugan! Sabi ko iidlip lang ako pero pag-gising ko may araw na!

Me: nakatulog ako hehe

Kirsch Jimenez: nAkATuLog aKo hEhE

Tignan mo 'tong taong 'to. Ang aga-aga nang-iinis na. Hindi na muna ako nagreply at bumangon na para maghanda ng almusal namin. Nagulat ako nung makitang nasa dining table na si Sherinn at seryosong nakatingin sa laptop niya. Sobrang bilis mag-type!

"Aga mo ata nagising?" bungad ko.

Lumingon siya sa akin saglit. Pansin na pansin ko yung panic sa mata niya.

"Alam mo bang bukas na due yung individual paper natin sa Comm Research?"

Agad akong napatayo nung marinig ang tanong ni Sherinn. Shit! Nawala sa isip ko!

"Wala pa ako sa kalahati sa paper ko!" sigaw ko nang nagpa-panic. Naitapon na sa labas ng bintana yung plano ko na maghanda ng almusal at magpahinga buong araw. Gising na gising na ang diwa ko ngayon.

Kinuha ko ang laptop ko at itinuloy na rin ang paper ko. 40% ito ng grade namin kaya hindi pwedeng half-cooked ang ipasa. Terror pa naman ang prof.

Nabalot kami ng katahimikan ni Sherinn at nag-usap lang ulit saglit nung kumain kami ng brunch. Pero pagkatapos noon ay bumalik na rin kami sa ginagawa namin. Hapon na nung natapos kaming dalawa sa paper namin. Pareho kaming nakatulog pagkatapos. Bukas na namin siguro ipapa-print bago pumasok sa klase.

Gabi na sa labas nung magising ako dahil sa pagyugyog ni Sherinn sa balikat ko.

"Ano?" iritang tanong ko. Antok na antok pa ako!

"Baks, gising na! May lakad tayo!"

"Saan tayo pupunta? Antok pa ako." reklamo ko pero patuloy niya lang akong ginising. Bakit parang madaling-madali siya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now