Chapter 21

19 2 1
                                    

Limang araw na mula nung nakabalik ako mula sa probinsya.

Halos one week na mula noong magkita kami ni Kirsch at ipinahatid niya ako sa mga guards niya pauwi sa amin.

At ganoon na rin katagal mula nung huli akong nakarinig ng kahit ano mula sa kanya.

Naiinis ako, kasi hindi siya dapat big deal sa akin. Hindi dapat ako nababaliw kakaisip nasaan yung lalaking yun. Wala dapat akong urge na tanungin si Vonn kung nasaan yung magaling niyang best friend everytime na makikita ko siyang naglalaro sa field.

Tuloy parin naman yung training nila kahit wala silang scheduled game this week. (Oo pati yun chineck ko na). So bakit wala siya? At bakit wala siyang paramdam? At bakit may pakialam ako?!

Me: nilamon ka na ba ng lupa?

Napatingin ako sa message na tinext ko sa kanya. Gusto kong sabunutan yung sarili ko but at the same time, I can't just not try and text. Sobrang curious ko kung nasaan siya!

Lalo pa ngayong araw dahil nakasalubong ko ang kuya niya. Malay ko ba kung may nangyari nang masama doon, or kung nagkasakit, or kung nakulong. Ah ewan! Bwiset talaga siya. Hindi na nga siya nagpapakita pero pinapasakit parin niya ang ulo ko.

"Inaano ka nung kwek-kwek?"

"Ano?" naguguluhang tanong ko kay Sherinn.

"Ang sama kasi ng tingin mo sa kinakain ko." natatawang sagot niya sabay subo nung huling piraso na nasa lalagyan.

Hindi kami masyadong busy ngayon since Friday afternoon na. Maganda ang panahon kaya tumambay kami sa ilalim ng puno sa tapat ng CSS.

"Di ka kasi namimigay." palusot ko.

"Aba. Tinanong kita kanina kung gusto mo bumili pero nakabusangot ka lang. Magdusa ka diyan."

Binelatan ko nalang siya. Tumingin ako sa cellphone ko at di ko mapigilang mainis nung mapansin na wala siyang reply.

Edi wag! Bahala na siya diyan kung lamunin siya ng lupa, wala na akong pakialam! Epal na Justin Kirsch 'to.

"Galit na galit, gustong manakit?" kumento ni Sherinn. Hindi nalang ako sumagot.

Di naman ako sa kanya naiinis pero sadyang nakakasira lang talaga ng mood yung lalaking yun.

"Baka naman kasi may importanteng inaasikaso lang. Tulad ng..." nag-isip siya pero wala rin naman siyang mabigay na dahilan. Tignan mo na. "Ah ewan! Basta yung kung ano mang ginagawa ng mga tulad niya." patuloy niya.

Umismid lang ako. Mabuti nalang talaga at sanay na si Sherinn sa random outbursts ko.

"Wala naman akong pakialam." bulong ko.

"Wow girl! Sa lagay na yan wala kang pakialam ha? Paano pa kaya pag nagkaroon ka ng pakialam?"

Sa sobrang inis ko, binura ko nalang mula sa message thread namin yung huli kong sinend sa kanya. Mukhang nilamon na talaga siya ng lupa.

"Oh my god."

Lumingon ako kay Sherinn, nagtataka kung ano rason ng bigla niyang pagsabi nun.

"Oh my god!" halos mapatili siya at kumapit sa braso ko. "Wag kang lilingon pero palapit si Vonn dito."

Syempre dahil Pilipino ako, napalingon pa rin ako.

"Boba! Sabi nang wag kang lilingon eh!"

Hindi ako nakinig at nakitang papalapit nga si Vonn. Medyo ngumiti siya nung makitang nakatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita na balik sa itim na pala ang buhok niya. Nung nakita ko kasi siya earlier this week ay medyo pink pa yung hair niya.

Save Me, Save YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt