Chapter 9

45 1 0
                                    

"Sherinn Leigh Esquillo!" frustrated na sigaw ko. 

Kahit kailan talaga napapahamak ako dahil sa babaeng 'to!

"Akin na nga yan!" hinablot ko sa kanya yung cellphone ko. Mabuti nalang ay parang nagulat din si Sherinn sa mga nangyari kaya naagaw ko kaagad yung phone ko.

"Ayan. Buti nalang uso na yung unlike ngayon. Kung hindi malilintikan ka talaga sakin!" sermon ko pero inirapan niya lang ako.

Mukhang naka-recover na siya sa shock kanina.

"Ano bang masama pag nakita niyang ni-like mo yun? At tsaka bakit mo ba tinatago Instagram mo sa taong yun? Artista ka 'teh?"

Napanganga ako. Sakit talaga nito magsalita minsan eh. Di ko alam kung kaibigan ako o ano. Ang sarap niya sungalngalin gamit 'yung phone ko!

"Una sa lahat Ms. Esquillo," sermon ko na parang professor, "magfi-feeling kasi yung Kirsch na 'yon! At wala ako sa mood na makinig sa mga pag-aassume niya. At isa pa, di ko lang din magets bakit gustong-gusto niya mahagilap yung IG ko."

Di ko talaga maintindihan! Ano ba kasing mapapala niya kapag nahanap niya yun? In the first place, mahirap talaga mahanap yung IG ko kasi iba ang pangalan ko dun at hindi yun naka-connect sa FB ko. Dakilang pasaway lang talaga 'to si Sherinn dahil ibinigay parin 'yung account ko!

Higit sa lahat, di ba naisip ni Sherinn na ang daming picture ng barkada doon?! Tinanggal ko naman na yung mga picture namin ni Xavier nung kami na. Pero madami parin kasing ibang photos doon ng barkada. I couldn't bear to erase them just because it didn't end well. Kaya nga nag-private nalang ako ng account.

Wala naman dapat issue kahit makita iyon ni Kirsch pero... ah, ewan! Di ko rin maintindihan sarili ko! Ginugulo ni Kirsch lahat!

Bumalik na si Sherinn sa panonood niya. Matutulog na sana ako kaso naistorbo ako ng isang chat. It was from Kirsch.

"Kita mo na!" sigaw ko. Paano niya naabutan yun eh nag-unlike naman ako agad?!

Walang sinabi si Kirsch sa chat niya. He just sent me a screenshot of his notifications tab sa Instagram. Nakabilog doon yung notification na galing sa account ko.

goldenrainedc liked your post

"Nakita niya yung pag-like nung post?" tanong ni Sherinn. Hindi na ako sumagot sa kanya dahil busy na ako magtype ng reply ko kay Kirsch.

Raine Aurea: Si Sherinn yun. Wag kang feeling.

Mabilis siyang nagreply.

Justin Kirsch: Wala pa akong sinasabi... you're so defensive.

Raine Aurea: Kasi alam ko na yung mga linyahan mo Justin Kirsch! 

Justin Kirsch: Alam mo na linyahan ko? Naks. Pakiramdam ko tuloy ang close na natin.

Justin Kirsch: Baby

I groaned at his reply. Ayan na naman siya! Nakaka-ubos ng energy kausap ang isang 'to!

Raine Aurea: Wag ako, Kirsch. Wag ako.

Na-seen na niya yung sinabi ko at may tatlong dots na lumabas, signaling na nagta-type siya ng reply. Ilang beses pa nag-ganito at napagod na ako mag-abang ng reply. Bakit ko nga ba ina-abangan reply ng kumag na yun?

Ibinaba ko na muna yung cellphone ko at nag-ligpit ng gamit. Pagkatapos ko doon ay saktong may reply galing kay Kirsch. 

Justin Kirsch: Bakit hindi ikaw?

Ha? Konti nalang ma-coconvince na akong naka-drugs ang isang 'to. Kawawa naman si Senator Jimenez kapag nalaman ng publiko na drug addict ang anak niya!

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now