Chapter 8

52 1 0
                                    

Justin Kirsch Jimenez sent you a friend request

Napa-angat ako ng kilay. Ano naman kaya ang trip nito? Should I accept or reject his friend request?

Pinag-iisipan ko pa yun nung biglang may notification ulit na lumabas. Isa 'tong message request mula sa kanya.

Justin Kirsch: You probably won't accept my friend request but... that's your payment to me. Accept my request para quits na talaga tayo. :)

Hindi ko ine-expect na yun ang magiging kabayaran sa utang na loob ko sa kanya. Akala ko talaga gagawin niya akong alipin! Ayoko siya maging friend sa FB pero mas okay na 'to.

Baka kasi kung ano pang pagpapahirap ang maisipan niya kung sakaling i-reject ko yung friend request niya. Mukha pa naman siyang marunong magtanim ng sama ng loob!

I clicked accept at iniwanan na ang cellphone ko sa lamesa. 

Bahala na.

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan ay nag-aral na ako. Tumabi ako kay Sherinn na nakaharap sa laptop at busy sa kanyang paper. Mga isang oras din kaming tahimik at ginagawa ang kanya-kanyang school work. Walang ibang naririnig sa kwarto kundi yung tunog ng keyboard sa laptop at OPM songs na pinapatugtog niya.

I was concentrated on what I was reading when I heard my phone chime. It was a notification from Facebook Messenger.

Justin Kirsch: Hi baby ;)

Anong baby?!

Ugh! Isang oras pa lang mula nung inaccept ko yung friend request niya pero nang-gugulo na siya agad.

Hindi ko nga nireplyan. Istorbo eh.

Pero pagkatapos ng ilang minuto, tumunog ulit yung cellphone ko. Sunod-sunod pa!

Justin Kirsch: Baby

Justin Kirsch: Babe

Justin Kirsch: Baba?

Justin Kirsch: Nvm. I hate the last one. Let's stick to Baby

Justin Kirsch: baby?

Justin Kirsch: .....

Justin Kirsch: Fine, I'll stop with the baby thing

Napakakulit! Hindi ba niya talaga titigilan yang baby na yan?! Ilalapag ko na sana ulit yung phone ko pero nag-chat ulit siya.

Justin Kirsch: Seenzoned?

Justin Kirsch: Tch. Sungit

Justin Kirsch: :(

Kung may pamalit lang ako ay kanina ko na tinapon 'tong cellphone ko! Napakakulit talaga! Panigurado hindi ako titigilan nito kaya nagreply nalang ako. 

Raine Aurea: What?! Nag-aaral ako!

Justin Kirsch: You're shouting pati sa chat. Unbelievable

Justin Kirsch: But you replied! :D

Nagiging automatic yung irap ko kahit hindi ko naman siya kaharap talaga. Automatic din pati pagtaas ng blood pressure ko!

Raine Aurea: Istorbo ka kasi. Ano ba kailangan mo? 

Justin Kirsch: Do you have an IG acct?

Raine Aurea: Bakit?

Justin Kirsch: Just answer the question.

Raine Aurea: Bakit nga muna????

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now