Chapter 16

30 3 0
                                    

One week after naming lumabas ni Kirsch, I found myself in an executive subdivision na hindi ko akalaing mapupuntahan ko. Kung siguro may nagsabi sa Aurea one year ago na ako ay pupunta sa Bel-Air Gardens para um-attend ng isang exclusive party ng isang prominenteng pamilya ay malamang tumawa lang ako ng malakas.

Actually tumawa talaga ako ng malakas noong sinabi sa akin ni Kirsch kung saan ang venue ng party ng kapatid niya.

"Why are you laughing? I'm serious." sabi niya. Seseryosohin ko na sana yung sinabi niya kung hindi lang siya busy na ngumuya ng cookies. Punong puno ang bibig niya habang ngumunguya. Mukha siyang rabbit.

Sa Wingstop kami nagdinner sa Uptown Mall. Akala ko ay uuwi na kami pagkatapos magdinner pero nagyaya pang mag dessert si Kirsch sa Costa Coffee. Wala naman akong choice kundi ang sumunod or else gagamitin niya na naman ang friend card niya.

"Sorry pero pakisabi nalang kay Hobi hindi kami pupunta. Nakakatakot atang pumunta sa bahay niyo..."

Natawa siya. "Bakit ka matatakot? And besides, the party will be held at the clubhouse. We can't have a party at home. That would be like setting mom up for a heart attack." 

"Sino ba kasi ang mga pupunta diyan? Hindi naman kami bagay sa mga ganyan eh." 

"Just friends. Mostly varsities since Hobi is in the SU Street Dance team."

Umiling ako. "OP lang kami doon! Hindi nalang..."

"My brother said he won't take no for an answer right?"

Hindi na ako sumagot sa kanya. Ayokong magalit sa akin si Hobi pero yung masamang side ko ay sinasabing wala rin namang kaso kung magalit siya dahil hindi rin naman kami siguro masyadong magkakausap sa future.

Ang plano ko talaga ay wag nalang isipin yung party na yun at magkunyaring walang naaalala. Hindi rin naman ako ginulo ni Kirsch buong linggo pagkatapos noon dahil busy siya sa training at school stuff.

Hindi ko nga alam bakit ipinaalam pa niya sa akin na baka hindi kami makapag-kita hanggang sa party ni Hobi. I mean, hindi naman kami normally na nagkikita so why bother?

Akala ko makakaligtas na ako sa party na yun pero hindi pala. Umuwi si Sherinn ng Thursday na may dalang mga paper bags. Ang laki ng ngiti niya habang ipinapakita ito sa akin. Ang sabi niya ay may lalaking biglang nag-abot sa kanya nito at sinabing galing kay Kirsch ito.

Mayroon pang handwritten card na galing sa kanya.

Had Kaitlin shop some clothes you guys can wear. I hope she got your sizes right. Someone will pick you up. My brother will be looking for you so don't ditch. See you tomorrow! - Kirsch

Pakiramdam ko noong panahon na yun ay si Cinderella ako. Hindi ko nga lang sure sino ang Prince Charming. Mayroong mukha na nag-flash sa utak ko pero agad ko ring pilit kinalimutan.

True enough, mayroon ngang sumundo sa amin kinabukasan. Nakakahiya lang dahil sinundo kami sa San Martin. Panigurado nagtataka na yung driver kung bakit ang mga katulad namin ay na-invite sa isang exclusive party. Nagtitinginan nga rin ang mga kapitbahay dahil ang ganda nung kotse na andun eh. Buti nalang walang nagtangkang gasgasan yun! Takot lang siguro nila kasi ang laki ng katawan nung driver na sumundo samin.

Mabuti nalang at hindi naman formal yung party. Pareho kaming naka-dress ni Sherinn. Siguro ay dahil mas madaling itama ang sizes kaya ito ang ibinigay sa amin. Isang black na dress ang sa akin, medyo maiksi siya pero at least ay hindi naman sobrang baba ng cut sa may cleavage. Ayun nga lang, kung ano ang ikinatino sa harap, ay iyon naman ang ikina-revealing ng likod na parte. Si Sherinn naman ay nakasuot ng dark blue na tube dress. 

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now