Chapter 20

36 2 0
                                    

That random road trip turned out to be the start of a very weird but great 'friendship' with Kirsch.

Simula noon, parang nagkaroon na kaming dalawa ng entitlement na guluhin ang isa't isa at random times. Madalas ay iniistorbo ako ni Kirsch after class para samahan siya kumain. Libre niya madalas pero di na rin ako nagrereklamo kasi nagpapatulong naman siya sakin minsan sa acads. Minsan din nagiging personal driver ko siya kapag may kailangan akong puntahan.

Nung una nahihiya pa ako pero since mapilit din naman siya at ayon sa kanya 'I can be your slave Aurea. I won't mind so take advantage of me please.'

Oo may please! I swear!

So syempre sino ba naman ako para tumanggi sa grasya diba?

Unti-unti, nasanay na ako sa ganoon na set up naming dalawa.

"So what's for lunch?" Tanong sa akin ni Kirsch.

Tuwing Tuesday at Thursday ay pareho ang oras ng break namin kaya naman lagi na kaming magkasama maglunch sa mga araw na yun.

"Ako na ba ang pipili?" tanong ko. Salitan kasi kami pumili parati.

Tumango lang siya. Ngayon ay naglalakad na kami papunta sa parking.

"Hmm. Parang gusto ko ng day-old chick." biro ko. Lumingon siya sakin at umismid. Inamin niya kasi sa akin na halos masuka talaga siya nung pinakain ko siya noon ng day-old chick.

Aba, malay ko naman diba? Pwedeng pwede naman siyang tumanggi!

"Joke lang! Ito naman parang ready mang gyera agad." sinundot ko yung tagiliran niya pero wrong move dahil hinila niya lang yung kamay ko na iyon para mapalapit ako sa kanya at saka ako inakbayan. Ginulo niya yung buhok ko.

"Kirsch, bitawan mo ako!" Saway ko. Nakakainis kasi trip niya talagang gawin to! Sobrang nagugulo kaya buhok ko! Tsk. Wala pa naman akong dalang suklay parati.

"Ayaw." simpleng sagot niya. Hindi na  niya ginugulo yung buhok ko pero naka-akbay parin siya sakin na halos masakal na ako.

Noong una ilang pa talaga ako, pero napansin ko na sobrang clingy lang talaga ni Kirsch as a person kaya eventually nasanay na ako sa mga ganito niya.

"Bwiset ka talaga."

"Aray!" reklamo niya nung siniko ko siya. Buti nga sa kanya.

Tinanggal niya lang ang pagkaka-akbay niya sa akin nung makarating na kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago siya umikot at sumakay na sa driver's side.

That's the thing about Kirsch. Masyado niya akong trinatrato na prinsesa.. simpleng pagbukas ng pinto gusto niya siya yung gagawa. Kaya naloloka na ako eh. Ayokong masanay sa ganito pero at the same time, parang hindi ko na rin kaya na walang Kirsch?

"Oy, nai-inlove ka na sakin?" tanong niya na may nakakalokong ngiti. Doon ko lang narealize na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.

Inirapan ko siya, pero hindi ako sumagot. Umiling nalang siya habang tumatawa bago lumapit sa akin at hilain ang seatbelt ko. Pero bago niya tuluyang ayusin ang seatbelt ay tumingin muna siya sa akin.

Di ko maiwasang mapatingin din. Napakalapit naman ng mukha nito sakin!

"Ano nga, nahuhulog ka na?" Mahinang tanong niya pero kita ko sa mga mata niya na natutuwa siya sa ginagawa niya.

Lord! Bakit ba ganito 'tong lalaking to?!

Bago pa ako may magawang kasalanan ay tinulak ko yung mukha niya palayo. Pero ang loko ay dinilaan ang kamay ko!

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now