Chapter 4

37 3 0
                                    


Napansin ko na noon palang na meron akong masamang habit na na-build pagkatapos ng heartbreak k okay Xavier. I have this weird tendency to panic if there is anything remotely related kay Xavier na biglang ma-eencounter ko. Para bang bigla akong nagma-malfunction at nag a-automatic shut down ang common sense ko.

Tulad ngayon! Kakatapos lang ng klase ko sa Engineering Building. Hindi naman ako Engineering student pero napilitan ako kumuha ng minor subject from this college dahil wala na rin naman akong choice. Kakalabas ko palang ng building at pupunta na sana sa cafeteria para kumain ng lunch nung bigla kong makasalubong si Caden, Brent, at Steve.

Alam kong nagtatampo sila sa akin dahil obvious naman na umiiwas ako sa kanila. Nasabi na rin naman sa akin ni Sherinn na lagi silang nagtatanong kung kalian nila ako pwede makasama ulit. Mabuti nalang at tinutulungan ako gumawa ni Sherinn ng excuses.

Gusto ko naman silang makasama pero ano ang magagawa ko? Ito lang ang tanging paraan na alam ko para hindi ko masyadong maalala si Xavier. I know it's unfair na pati ang friendship namin ay na-aapektohan pero kasi kung sumama ako sa kanila, hindi ko lang din maiiwasan maisip ang nakaraan kung saan kumpleto pa ang barkada.

Ayokong sumama sa kanila tapos ang tanging nasa isip ko lang ay 'Kung nandito lang sana si Xavier...' o kaya ay 'Nung kami pa ni Xavier...'

It's torture for me and it's unfair for them.

Kaya ang ginagawa ko ay umiiwas ako hanggang sa abot ng makakaya ko. Ang problema lang ay kapag ganitong nabibigla ako ay di na ako nakakapag-isip ng matino! Tulad nito, na-corner ako nilang tatlo at pinipilit na mag lunch kasama nila.

"Dali na Aurea! Di naman tayo aalis sa campus. Kahit diyan lang tayo kumain oh!" sabay turo sa mga kiosk sa tapat namin.

Todo convince sa akin si Caden na nakahawak pa sa braso ko. Ako naman, halos pagpawisan na kakaisip ng idadahilan. Hindi ko pa talaga kayang sumama sa kanila ulit. Ngayon pa nga lang na kaharap ko sila, puro Xavier, Xavier, Xavier na ang pumapasok sa isip ko!

"Ah... eh..." kulang nalang makumpleto ko na i-recite yung vowels pero di parin ako maka-isip ng dahilan. Bilisan mo mag-isip Aurea!

"Oo nga Aurea. Dali na! Manlilibre si Steeve," turo ni Brent kay Steve na gulat na gulat.

"Bakit ako?!"

"Wag ka na magreklamo! Ano, Aurea? Tara na?" tanong ulit ni Brent sa akin. Bigla naman ako inakbayan ni Caden.

"Wag ka na tumanggi. Susunod na rin daw si Sheldon dito."

Wow! At talagang nagdagdag pa sila ng kasama? Yayain na rin kaya nila si Xavier para kumpleto na?

Inalis ko yung pagkaka-akbay sa akin ni Caden.

"Hi-hindi nga ako pwede."

Tinaasan ako ng kilay ni Brent.

"May kasama na ako mag-lunch. Nakakahiya kung bigla akong mag-cancel."

Saan ba nang-gagaling 'tong mga dahilan ko?!

"Sino kasama mo? May klase pa si Sherinn hanggang 1PM."

Damn it! Bakit ba kasi kabisado ni Brent ang schedule nung baklitang yun?!

"Hi-hindi naman kasi si Sherinn ang kasama ko."

"Sino?"

Para akong nalulunod sa mga tanong ni Brent. Nakatingin kasi silang tatlo sa akin tapos nakakunot pa yung noo. Parang hindi sila convinced sa sinasabi ko.

I huffed. Sinimulan ko na 'to kaya dapat panindigan ko. Napatingin ako sa ibang mga estudyante na palabas ng building nung makita ko siya. I never thought I'd be thankful of seeing that face.

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now