Chapter 10

35 3 0
                                    

Pagkaalis nila Kirsch, hindi rin nagtagal at dumating na si Sherinn. Medyo bangag pa siya dahil sa exam niya kaya hindi ko na muna kinulit. Tinawagan ko nalang si Caden at nalaman na on the way na sila papuntang CSS.

Di nagtagal, tumigil sa harap namin iyong blue metallic na Ford Expedition ni Steve.

Ang gara din talaga. Bakit nga ba ulit kami naging friends ng mayayaman na 'to?

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Si Steve yung nagda-drive habang si Sheldon ang nasa front seat. Nasa gitna si Brent tapos si Caden sa pinakalikod.

"Pucha. Dapat si Brent dito sa likod eh! Sakit ng paa ko, di ako makaupo ng maayos." Reklamo ni Caden pero walang nakinig sa kanya. Nahihirapan siguro siya dahil sa sobrang tangkad niya.

"Bakit ako na naman nakita mo?" Angal ni Brent.

"Eh ikaw yung pandak eh."

"Tangina mo, gago."

Naghagikgikan sila Steve at Sheldon. Hindi naman pandak si Brent, sadyang sobrang tangkad lang ni Caden kaya ang lakas mang-asar. 6'2 ata height niyan eh.

"Kamusta exam niyo?" tanong ni Brent na ngayon ay nasa left side na. Si Sherinn ang nasa gitna tapos sa kanan ako. Syempre sinadya kong magkatabi sila.

"Wag niyo muna ako kausapin. Naduduling pa ako sa dami ng sinagutan ko." Reklamo ni Sherinn.

Sumandal siya at pumikit.

"Caden! Hilot!" Sigaw niya since nasa likod lang naman niya siya.

Natawa si Caden pero sumunod parin. "Yes ma'am!"

"Saan tayo kakain?" tanong bigla ni Sheldon.

"Katip na para malapit." Sagot ni Steve. Napansin ko nga na doon na kami papunta.

"Bakit hindi nalang sa condo ni Caden? Magluto nalang para tipid!" Sabat ko.

Alam kong sagot naman nila kaming girls. Kaya nga lang kami napa-payag kasi libre daw nila lahat pero ayoko parin na masyadong mahal ang kainan namin. Nakakahinayang kasi.

"Wag 'don!" Angal ni Caden. "Sagot ko pa pati si Ate niyan eh."

"Nandoon si Ate Yan? Akala ko doon tayo ngayong gabi?" Nagtatakang tanong ko. Kasi kung nandoon ate niya, malamang hindi kami makakapag-ingay. Med student kasi iyon at usually doon siya sa condo ni Caden kapag kailangan niya talaga mag concentrate sa review.

"Deins. Change of plans nga dahil kay Ate. Sa BGC tayo."

Nanlaki ang mata ko. Kahit si Sherinn na akala ko nakatulog na dahil sa hilot ni Caden ay napa-angat ng ulo.

"BGC?! Tapos ganito suot namin ni Aurea? Siraulo ba kayo?" Biglang-bigla kami pareho. Hindi naman kasi kami sanay na sa labas nag-iinuman!

"Eh wala nga kasing ibang lugar. Bakit Aurea payag ka ba kung sa condo tayo ni Xavier?" Napatigil yung puso ko sa tanong ni Caden.

Totoo naman kasi na doon kami palagi dati sa condo niya. Kasi nga yung Ate ni Caden laging nasa condo niya, si Brent kasama rin mga kapatid niya, tapos si Steve at Sheldon ay may mga bahay talaga dito at nandoon ang parents nila.

"Gago." Sabat ni Brent pero tumawa lang si Caden. Inirapan ko nalang sila para kunyari di ako affected.

"Di ba talaga pwede sa bahay lang? I don't think appropriate ang simpleng pants at shirt sa mga lugar na ganon." Naiiritang tanong ni Sherinn. Pareho kasi kaming naka-simpleng pants at t-shirt lang ngayon kasi exams lang naman inatupag namin. May pagka-maarte panaman 'to pagdating sa damit pag lalabas.

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now