Chapter 11

22 2 0
                                    

"Umupo na nga lang kayo dito."

Inis na inis si Brent habang pinapaupo si Sherinn sa tabi niya. Ako naman ay hinila ni Caden sa tabi niya. Nakaharap na tuloy ako sa table ng soccer team.

"Hoy, Brentley Abelardo. Napaka-cock blocker mo ha!"

Binato ni Sherinn ng tissue si Brent. Nagtiim-bagang si Brent sa narinig niya.

"Ano? Cockblocker? Magpapagalaw ka sa chickboy na yun?!"

"Bakit ko sasabihin sayo?!"

Huminga ng malalim si Brent, tila nagpipigil na patulan yung sigaw ni Sherinn.

"Mag-order na nga lang tayo ulit. Sheldon, isang JD pa."

Napailing nalang ako. Naiintindihan ko kung bakit protective si Brent pero may kasalanan din siya dahil hindi siya umaamin sa nararamdaman niya. Ayan tuloy wala siyang karapatan ngayon.

Napatingin ako sa kabilang table pero umiwas din ako kasi nakatingin sa akin si Kirsch. Si Vonn naman ay nakikipagtawanan na sa mga kasama nila.

Napaisip ako tuloy kay Vonn.Lagi lang ba talaga siyang nakangiti? Parang hindi ko pa kasi siya nakitang bad trip or seryoso. Literal na nakangiti siya palagi pag nakikita ko.

"Crush mo yung Jimenez?" Nabigla ako sa pagtanong ni Caden sa akin.

Ang lapit niya kasi tapos nakapatong yung kamay niya sa sandalan ng upuan ko. Mahilig talaga sa skinship si Caden kaya sanay na kaming lahat.

Kumunot ang noo ko. "Hindi." 

"Nililigawan ka?"

Lalo lang nagsalubong ang kilay ko. "Hindi rin. Saan mo ba napupulot yan?"

"Eh bakit parang magkakilala na kayo? Paano kayo naging magkaibigan?"

"Bakit ang curious mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Simple lang naman ang mga tanong ni Caden kung tutuusin. Di ko lang maintindihan ano ang issue nila kay Kirsch. Grabe rin kasi ang disapproving look na ibinigay ni Brent dati nung kausap niya ako about doon.

Huminga ng malalim si Caden at uminom ng alak. Akala ko okay na, pero bigla ulit siyang nagsalita.

"Mga kaibigan sila ni Simon."

Iyon lang ang sinabi niya as if kaya nang i-explain ng mga salitang iyon kung bakit halos isumpa na nila si Kirsch at Vonn.

"And so?"

"Gusto mo talagang pag-usapan 'to ngayon?"

"Bakit hindi?"

Ano ba kasi iyong point nila? Hindi ko kasi talaga maintindihan. At bakit hindi pa ngayon? Bored din naman ako so bakit hindi nalang namin pagusapan ang issue nila sa mga lalaking 'yon?

"Kasi sabit sa usapan si Xavier."

Doon ako napatigil. Now what? Bakit biglang nasali iyong lalaking 'yon?

"Ano naman ngayon?" Sige Aurea, tapang-tapangan ka pang gaga ka.

Dumating na ang bagong bote ng JD kaya nilagyan ni Caden yung baso namin pareho. Luckily, mukhang busy ang iba at hindi nila naririnig ang usapan namin.

"Alam mo naman na magkaibigan si Xavier, Brent, at Simon diba?" Tumango ako. Alam kong naging magkaibigan sila dahil sabay-sabay silang sumali sa isang fraternity noong first year college. Ayun nga lang, umayaw si Xavier at Brent kalagitnaan at si Simon lang ang nakatapos ng application process.

"Hindi naman naging ganoon ka-close si Brent sa kanya. Si Xavier lang. Isa't kalahating gago kasi 'yang best friend mo kaya sila nagkasundo ni Simon na two-parts gago, one-part fratman."

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now