Chapter 15

46 4 0
                                    

Sinubukan kong hindi isipin si Kirsch at yung party na pinuntahan niya. Ayokong isipin kung ano ba ang nangyari at kung sino man ang mga nakasalamuha niya doon.

Unang una sa lahat, wala akong pakialam. Pangalawa, hindi porket friends na kami ngayon ay dapat may comment na ako tungkol sa buhay niya. Kela Brent at Caden nga wala eh.

Aksaya lang ng brain cells kaya pinili kong magfocus nalang sa classes ko. Mabilis na lumipas ang Thursday at masaya ako dahil maaga akong nakabalik sa apartment. Hindi na ako nag-abalang maghintay kay Sherinn dahil alam kong mas busy siya sa orgs niya kapag ganitong second part na ng semester.

Nakahiga ako at nagpapahinga bago simulan ang readings ko noong biglang tumawag si Atasha sa cellphone ko. Napaupo ako bago ko sagutin ang tawag dahil sa excitement na makausap ang kapatid ko. Hindi kasi kami madalas mag-usap dahil pati siya ay busy naman sa school.

"Hello?"

"Hi ate!" rinig na rinig ko ang enthusiasm sa kapatid ko.

Napangiti ako. "Sha! Kamusta kayo diyan?"

"Okay lang naman ate! Ito ang dami kong manliligaw." pabirong sabi ng kapatid ko.

"Hoy, anong manliligaw? Aral muna diba?"

"Kaya nga ate basted sila! Alam ko namang maganda ako pero syempre studies first." Natawa ako ng malakas sa kapatid ko.

"Buti naman alam mo ang priority natin. Pero teka, bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko.

Nakakapag-taka kasi na tumawag siya ng weekdays. Usually kasi kapag weekend siya tumatawag dahil iyon ang mga araw na pareho kaming hindi busy.

"Ate, si Mama kasi kakausapin ka daw. Eh wala siyang pantawag kaya hinintay niya munang makauwi ako galing sa school."

"Bakit hindi nalang siya nagpaload?"

"Ewan ko nga dito eh. Teka ate, kausapin ka na raw ni Mama." narinig ko ang pag-tawag ni Atasha kay Mama. Medyo umingay pa silang dalawa hanggang sa palayo na ng palayo ang boses ni Atasha sa phone.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang mahinhin na boses ni Mama.

"Hello, anak?"

"Hi Ma. Gusto niyo daw po akong makausap?"

Hindi kami madalas magtawagan ni Mama. Kung ano ang ikina-pilyo ni Papa ay ganoon naman ang ikinahinhin ni Mama. Siya yung tipo ng tao na hangga't kaya pa ay hindi sasabihin sa iyong nahihirapan siya. Tahimik lang siyang inaalagan kaming magkapatid at pati si Papa.

"Ano kasi anak... ang Papa mo..." kumabog ng malakas ang dibdib ko noong sinabi iyon ni Mama na parang may alinlangan.

"Ano pong nangyari kay Papa?"

"Panay taas baba kasi ang blood pressure niya nitong mga nakaraang araw anak. Pinag-absent ko nalang muna sa trabaho kahapon dahil sinamahan ko sa doktor."

"Kamusta naman ang check up niya Ma?" hindi ko maiwasang mag-alala lalo na't malayo ako sa kanila.

Parang pinipiga ang puso ko sa mga naririnig ko. Isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto ko nang makapagtapos ay dahil sa parents ko. Gusto ko nang ako naman ang gumastos para sa kanila at akuin na ang pagpa-aral kay Atasha para wala na silang isipin pa.

Si Papa ay matagal nang nagtratrabahong truck driver habang si Mama naman ay nagbebenta sa palengke ng mga gulay at prutas. Proud ako dahil kahit na hindi kami mayaman ay nagagawa nila kaming pag-aralin na magkapatid. Konti nalang, makakapag give back na rin ako sa kanila.

Pinahinahon ako ni Mama at sinabing wag masyadong mag-alala. Hindi naman daw seryoso ang lagay ni Papa pero sinabi ng doktor na kailangan na niyang uminom ng gamot na pang maintenance. I guess para hindi na tumaas pa ang blood pressure niya.

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now