Chapter 14

32 2 0
                                    

"Aurea, this is King. My son."

What.

The.

Hell.

Ano daw?

Tama ba ang pagkakarinig ko?

Son?

As in anak?

May anak na si Kirsch?!

Ilang segundo lang akong nakanganga doon sa harap niya at nung bata. Pakiramdam ko pansamantalang tumigil ang mundo ko.

Narinig ko rin ang pagsinghap ni Sherinn sa likod ko.

Panigurado, gulat na gulat din siya sa revelation na ito.

"Aurea?" Kinaway-kaway ni Kirsch ang kamay niya sa tapat ng mukha ko habang ako naka-estatwa parin.

"M-may anak ka?" Tanong ko.

Duh. Aurea. Kakasabi palang diba?!

Hindi ko pa ma-process ng maayos ang nangyari.

Paano? I mean--I know how a child is made.  Pero paanong hindi ito lumabas sa publiko? Paanong may anak na siya? Sino ang ina?

Magsasalita na sana ulit ako kasi alam ko naman kailangan kong sumagot. I have to say something.

And I don't even know why I'm this affected for crying out loud!

May anak si Kirsch. So what?! Kaya naman niyang buhayin iyong bata eh. Wala na dapat big deal doon.

Natigil ang train of thought ko nung may narinig akong nag snort sa likod ko. Lumingon ako at nakita kong tawa na ng tawa si Vonn.

Nagmistula itong hudyat para tumawa na rin ang iba sa paligid namin. Humahalakhak na si Kirsch pati na rin si Hobi.

Ipinaikot ko ang tingin ko at nakitang pati ang mga guard na nasa labas ng sasakyan nila at naka-abang ay nagpipigil na rin ng tawa.

Si Kaitlin naman na nasa mag bungad na ng sasakyan nila ay nakahalukipkip nalang at umiiling sa mga kapatid. Pero nakikita ko rin sa mga mata niya na natatawa siya.

"You are such an asshole, Kirsch." Kumento ni Kaitlin.

Lalo lamang natawa si Kirsch. Si Vonn ay napaluhod na at nagpupunas ng luha dahil sa kakatawa.

Kami lamang ni Sherinn ang mukhang clueless sa mga nangyayari.

What the hell was happening?

"Sorry." Sabi ni Kirsch noong medyo humupa na ang tawa niya. Nasa tabi parin niya si King na nakatingin lang sa kanya. Pero maging itong bata ay nakangiti.

"I always do that to people but your reaction is the best by far."

Nagpaliwanag si Kirsch pero hindi ko parin magets.

Ano iyong joke? Ano?!

"Ano iyong joke doon? Kailan pa naging joke ang pagkakaroon ng anak?" Lalong natawa si Vonn at Hobi.

"It's a joke Aurea! Jeez." Sabat ni Vonn. Pulang-pula na siya kakatawa.

"It's a prank that Kirsch and Vonn always pulls." Paliwanag ni Hobi.

"Sorry about that. I should have known they'd do that noong sinabing kong andito si King." Naiiling-iling si Kaitlin na lumapit. She extended her hand to the kid.

"C'mon King. Let's go to the car na." Bumitaw ang bata kay Kirsch at humawak kay Kaitlin.

Bumaling ang ate niya kay Kirsch. "We'll be in the car. Explain yourself." Pinandilatan niya ang kapatid bago bumalik sa itim na Range Rover. Pinagbuksan sila noong guard na kumausap sa amin at sumakay sila sa gitna.

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now