Chapter 13

43 3 0
                                    

Isang buong araw na mula noong nagkita kami ni Kirsch pero hindi parin ako mapakali.

Ang bigat ng pakiramdam ko na para bang may nakadagan na kung ano sa tiyan ko. Tapos yung puso ko... my god. Bawat paghinga ko, parang iniipit siya ng lungs at ribs ko.

Punyeta naman kasi ng Kirsch na yan eh!

Bakit ba nakaka-guilty yung itsura niya kahapon?! Ugh!

Joke ko lang naman talaga iyong sinabi ko pero kung makareact siya akala mo sinipa ko iyong aso niya.

"Bakla! Wez ganyan mukha mo? Mukha kang biyernes santo." Tanong ni Sherinn pagkarating niya sa apartment. Naabutan niya kasi akong nakaupo lang sa kama ko at nakabusangot.

Sobrang guilty ako. Alam ko naman na medyo masakit iyong sinabi ko pero bakit ba kasi ang pikon niya rin? Last time I checked siya ang malakas mang-asar ah?

"Hoy!" Napahawak si Sherinn sa puso niya dahil sa gulat noong sigawan ko siya.

"Ano?! Makasigaw naman 'to. Meron ka teh?"

Inirapan ko siya. "Nanood ka pala ng soccer match ng Springfield?"

Halatang nagulat siya sa tanong ko. Aba... so balak pala niyang itago?

"Ha? Ah.. eh.. oo. Nanood ako last last week."

Hindi ako matingnan ni Sherinn sa mata. Nagpakabusy siya sa pag-aayos kunyari ng gamit niya.

"Bakit hindi mo nachika?" Patuloy ko.

Tumawa ng awkward si Sherinn. Hindi talaga makakapagsinungaling ang babae na 'to sa akin eh. Ang obvious masyado!

"Niyaya lang ako ng orgmate ko! Si Mary? May crush yun na player." 

Sus. Nagdahilan pa siya eh alam ko namang si Vonn ang sinadya niya doon!

"Pero teka nga," inunahan niya ako magsalita. "Bakit ka biglang interesado sa soccer games ng SU? Papanoorin mo si Kirsch 'no?"

Tinaasan niya ako ng kilay kaya ako naman ngayon ang nag-iwas ng tingin. Paano ko ba sasabihin 'to?

Tumabi sa akin si Sherinn at niyugyog ako.  "Huy, baklush! Manonood ka nga?" 

"Hindi! Tigilan mo nga ako!" Inalis ko ang pagkahawak niya sa braso ko. Ang kulit!

"Ay. Taray ah? Ano nga?"

Napabuntong hininga nalang ako. Panigurado naman hindi ako titigilan ni Sherinn kaya ikwinento ko nalang sa kanya ang nangyari.

"Ay nako! Na-hurt ang feelings no'n! Soccer is life ata 'yon e." Bumusangot ako.

Alam ko naman, okay? Hindi na kailangan ipamukha sakin. Tch.

"Oo na, na-hurt na diba? Wala na akong magagawa." Humalukipkip ako. Wala na rin namang point na pag-usapan namin kasi tapos na. Nagtampo na si Kirsch.

"Anong wala? Syempre meron!"

Sinukat ko ng tingin si Sherinn. Ay nako, alam ko na yang ngiti niya! Pang may masamang balak!

"Ano na naman 'yang nasa isip mo?"

"Edi manonood tayo ng game nila today! Tara na. 6PM pa 'yon." Napatingin ako sa orasan ko at nakitang 5PM palang. Aabot pa kami.

Gusto ko sana umangal. Ayaw ko nalang manood. Pero hinila na ako patayo ni Sherinn para magbihis kaya no choice na ako.

And maybe, gagawin ko nalang din 'to para mawala na sa isip ko iyong sad face ni Kirsch kahapon. Ugh. Bwiset.

------

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now