Panimula

657 9 4
                                    

Simula

Sumumpa ako sa mga bituin na hinding-hindi na kita magugustuhan muli. Hindi na, nakakapagod na talaga. Ayoko na.

Paulit-ulit. Paulit-ulit ko nang sinasabi ang mga salitang 'yan sa isip ko ngunit wala pa ring nangyayari. Heto pa rin ako, nakatitig sa kanya habang nakapatong ang kamay sa pisngi. Bumuntong-hininga ako. Paggraduate natin, kakalimutan na kita. Kakalimutan na kita, Adamiel Vincent Eliandra.

-

"Gising!"

Napakamot ako sa buhok ko at nagsalubong ang kilay ko. Dumapa ako sa kama at niyakap ang binatong unan ni ate sa'kin. Inaantok pa ako, mamaya na lang.

"Hoy, Jana! Anong oras na! First day mo sa college late ka?!"

Napa-upo agad ako at agarang kinuha ang cellphone ko na nasa tabi ko. Napamura ako at napahilamos sa mukha ko bago nagmadaling tumayo at tumakbo papuntang cr. Malapit lang naman papasukan ko pero hahanapin ko pa kasi ang room ko. Shit naman, Jana!

Nang matapos ay agad kong kinuha ang nakasampay kong damit na nakahanda na kahapon pa para ngayon. Madaling-madali ako magsuot habang ang tuwalya ay nakabalot sa buhok ko.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin nang matanggal ko ang tuwalya sa buhok ko. Nagsuklay ako at naglagay ng hikaw na pearl 'saka ko itinali ang mahaba kong buhok. Ibang-iba ang itsura ko ngayon kumpara noong high school na nakalaugay lamang ako at walang kahit anong suot na accessories.

-

"Alis na 'ko, pa!" Sigaw ko kay papa bago lumabas ng bahay. Hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na. Kaunting lakad at tawid lamang ay naabot ko na ang school ko.

"Good luck to me." Bulong ko bago pumasok ng gate.

Hindi pa pala ako nakapasok. May pila pa nga pala para sa pag-scan ng I.D. Paano, no I.D. no entrance ka talaga rito dahil kailangan mo i-tap ang id mo sa isang machine, parang beep card.

Itatap ko na sana ang I.D. ko nang may biglang bumangga sa'kin na 'tila nagmamadali at inunahan pa ako mag-tap ng card. Kumunot ang noo ko dahil talagang tinulak niya pa ako at tumakbo na siya papasok.

Imbes na magalit, hinayaan ko na lang siya. Baka kasi late na siya sa klase niya. Tumingin ako sa orasan ay nakitang 6:30 pa lang naman. Tinap ko na ang card ko at pumasok na.

"Jana?" Napalingon ako nang may tumawag sa'kin. Lumawak naman ang ngiti ko nang matantong si Tracy pala ito, kaklase ko noong elementary.

"Uy!" Niyakap ko siya at gano'n din siya. Nagtapat kami pareho at nagtanungan ng kung anu-ano. Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang 7:45 na. Tinanong ko siya kung alam niya ba ang room na na una kong papasukan at tuwang-tuwa naman ako nang malaman na roon din siya pupunta. Magkaiba kami course pero mayroon kaming tatlong klase na magkasama kami.

Sumakay kami ng elevator para mapunta roon at naglakad-lakad muna habang nag-kukuwentuhan tungkol sa buhay namin noong high school. Dito pala nag senior high itong si Tracy kaya kabisado niya na rito kahit nakakalito. Nang makarating sa floor namin ay agad niya akong niyugyog kaya napahawak ako sa ulo ko at muntikan pang matumba.

"Tignan mo, tignan mo!" Tinuro-turo ni Tracy ang nasa harapan namin. Minasahe ko ang sentido ko at pumikit muna para mawala ang hilong nararamdaman ko. Ang lakas lakas niya naman kasi.

"Ha? Bakit? Anong meron?" Takang tanong ko nang mapadilat. Napatingin ako sa harap at wala naman akong nakita.

"Sayang, 'di mo naabutan! Ang gwapo kasi!" Sabi niya na para bang kinikilig. Kumunot naman ang noo ko. Akala ko naman kung ano.

"Hindi ka ba nakakakita ng gwapo rito palagi?"

Umiling siya. "Mga gwapo g madalas kong nakikita ay kilala ko na at kaibigan ko pa, eh. Ngayon ko lang siya nakita. Freshie rin siguro tulad natin at tulad mo na bagong pasok lang dito." Tumango-tango naman ako. Sayang, may bago na sana akong crush first day pa lang. Joke.

Pumasok na kami sa classroom namin at naupo sa may gitna. Mabuti na lang at hindi kami late.

--

1 hour ang break time namin kaya naman niyaya ako ni Tracy na pumuntang starbucks pagkatapos ay sa Mcdo naman. Sasabihin ko sanang umuwi muna kami dahil malapit lang ang bahay namin dito, eh.

"One Java Chip please," Ani Tracy. Nakatayo lang ako sa gilid niya at nakatingin sa labas, tulala. Wala masyadong tao ngayon dito bukod sa mga estudyante na sunod-sunod din ang pagpasok.

"Choco Chip sa'kin, hanap lang ako upuan." Bilin ko kay Tracy at tumango naman siya. Nilibot ko ang mga mata ko sa buong lugar para makita kung saan may bakanteng pwesto.

Napili ko ang naroon sa dulo na may dalawang malambot na upuan. Parami na nang parami ang mga tao at ang iba ay umaalis na lamang kapag walang nakikitang upuan. Ang iba ay nanatili para bumili at agad namang lalabas kapag nakuha na ang order. Mabuti na lang at maaga kami ni Tracy kaya nakakakuha pa kami ng upuan. Maya-maya pa ay dumating na rin si Tracy dala ang inumin namin, hinintay niya pa kasi muna.

"Ano ba 'yan, mali pa spelling ng Tracy. T-r-a-s-i-e? Sino nagsusulat ng gano'n?" Inis niyang reklamo bago naupo. Natawa na lang ako sa kanya bago umiling. Mabuti na lang at hindi siya nagbago, kung meron may ay tumangkad siya at gumanda pa lalo.

"Sana wala akong bagsak na grade." Pambungad kong sabi nang makaupo siya. Sumimsim ako sa iniinom ko.

"Sana nga. Pati na rin ako, 'te. Mga gwapo na lang yata inspirasyon ko rito, eh. Char!" Natawa kami pareho.

"Break na kayo ng jowa mo nu'ng high school?" Tanong ko nang maalalang may nakikita pala akong mga post niya sa ig na may kasamang boyfriend.

"Last year lang. Sayang, 3 years na rin 'yon. Pero para naman sa ikabubuti namin, para makafocus ng maayos sa pag-aaral. Mutual decision naman 'yon." Paliwanag niya sa'kin. Itatanong ko sana kung ano ang dahilan ng pag-break nila pero hinayaan ko na lang dahil ayoko namang magmumukhang chismosa.

"Ikaw ba? May naging boyfriend ka ba?" Tanong niya. Agad akong umiling at sumimsim sa choco chip ko. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko at ayoko na siyang maalala ulit. Tama na, gusto ko na talaga siyang maalis sa sistema ko.

"Makatanggi naman 'to, pwede namang humindi na lang!" Ani ulit ni Tracy kaya natawa na lang kami. Mabuti na lang at hindi niya na ako tinanong nang tinanong dahil hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko. Gusto ko na 'yon makalimutan.

"Nga pala, ang gwapo talaga ng lalaki kanina sa kabilang room. Sayang talaga at hindi mo nakita."

"Bakit? Ano ba itsura?" Takang tanong ko dahil mukhang interesado siya rito.

"Hmm. Maputi, Matangkad, Naka-glasses... Ayon na lang ang naaalala ko, eh. Hindi ko siya masyadong maaninag kasi nakaside view, eh."

Lahat ng sinabi niya ay sakto sa paglalarawan kay- joke. Baka naman ay iba ang tinutukoy niya, kapareho lang siguro ng description. Hindi siya 'yon. Hinding-hindi.

"Uy, lingon! Ayon siya, oh! 'Yung sinasabi ko! Dali!" Tinapik-tapik ako ni Tracy. Kumunot ang noo ko bago lumingon at nang makita kung sino iyon ay napapikit ako nang mariin.

Hanggang dito ba naman, Vincent?

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now