Ikalimang Kabanata

181 5 2
                                    

Pang-limang Kabanata

Lock



Naupo ako sa isang bench na malayo roon sa event place. Tinakpan ko ang mukha ko at yumuko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, o kung may mukha pa ba akong maipapakita roon. Bakit ba kasi ako umiyak? Parang tanga naman. Tinanong lang naman ni Vin kung pwede bumalik kami sa rati. Ano namang masama roon, 'diba?

Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Nakakairita naman. Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at sinabunutan ko ang sarili ko. Binaon ko ang mukha ko sa mga kamay ko at hinayaang dumaloy ang luha ko. Dapat nag-eenjoy ako ngayon, eh. Pero paano ko iyon magagawa kung wala naman akong gana makipag-usap sa iba? Lalo na't ginulo pa ako ni Vin. Ewan ko. 'Di ko na alam.

"Jana," Narinig ko na naman ang boses niya. Hindi ako nagsalita. Gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa, hindi rin ako makakilos. "Jana, I'm sorry..." Malungkot niyang sabi. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero may space pa naman.

"Jana.." Tawag niya pa ulit. Suminghap ako at lumingon sa kanya. Nakita ko ang malungkot niyang mga mata, na dati ay walang ekspresyon. Gusto ko siyang yakapin pero gusto ko rin siyang sampalin.

"Jana, sorry na.." Sabi niya ulit habang nakatingin lang ng deretso.

"Wala namang magagawa 'yang sorry mo," Lumingon ako sa kabila para punasan pa ang luha kong patuloy na tumutulo. Punyeta naman.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Umubo siya ng kaunti at nilinaw ang boses niya.

"Okay, then. Hindi na ako magsosorry, pero please pakinggan mo naman ako." Seryoso na ang kanyang boses. Hindi ako nagsalita o gumalaw man lang. Niyakap ko ang sarili ko habang nakatalikod ako sa kanya.

"Jana --"

"Huy! Bakit kayo umalis?!" Biglang dumating si Tracy habang hawak iyong dress niya, hinihingal pa. Si Rene ay nasa tabi niya lang na hinihingal din.

Umiling na lang ako at sinuklay iyong buhok ko. Umayos ako ng upo at inayos ko abg itsura ko. Iyong coat ni Vin, niyakap ko na lang. 'Saka ako humarap sa kanya at ngumiti. Ng pilit nga lang.

"Ah, nagbibiruan lang kami nito ni Vin," Pinanlakihan ko ng mata si Vin habang pilit pa ring nakangiti. Alam ko namang mukha akong tanga na nangingiti rito habang namumula pa ang mata pero ayaw ko namang malaman pa ni Tracy na umiyak ako na naman, dahil alam niyang wala na sa akin iyong past namin ni Vin.

"Ah, o-oo! Napipikon na nga si Jana eh." Siningkit pa ni Vin ang mata niyang singkit na. Alam ko namang medyo naguguluhan pa rin siya sa inakto ko dahil bahagyang nakakunot ang noo niya.

"Gano'n? Sige, iwan na namin kayo. Bye!" Sigaw ulit ni Tracy at hinalikan pa ang pisngi ko. Pinunasan ko agad iyon at bumalik na ang inis sa mukha ko. Tumalikod na ako kay Vin at nilapag ang coat niya sa upuan. Mabuti na lang at dala ko na ang purse ko. Nang hindi ko na makita sina Tracy, tumayo ako ngunit may humila sa braso ko. Iritado akong lumingon kay Vin.

"B-bitawan mo nga ako." Sobrang seryoso ng boses ko pero sa loob loob ko ay malapit na aking pumiyok at uniyak na naman. Gusto ko na lang talaga sabunutan ang sarili ko at sumigaw sa kawalan kasi nababaliw na ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang umuwi at umalis dito, matulog na lang. Sana pala ay hindi na lamang ako pumunta.

"Jana, kaya ako hindi nagparamdam kasi --"

"Kasi ano, Vin?! Kasi hindi na ako sapat, ganoon ba?!" Pumiyok na ako. Pinipigilan ko pa ring tumulo ang mga luha ko, tapos ay hindi ko alam kung ano pa ang lumabas sa bibig ko. Shit, that's too cliché! Ang pangit pakinggan. Napalunok ako bigla nang tumayo siya at hinawakan na ang magkabila kong balikat.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now