Ika-apat na Kabanata

187 8 3
                                    


Pang-apat na Kabanata

Coat

"Vin!" Tawag ko. Lumingon agad siya at napangiti. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Wala, namiss ko lang talaga siya.

"Bakit?" Tanong niya sa akin nang kumalas ako sa yakap. Nakayuko siya habang nakatingin sa akin. Sinuklay ko ang buhok niya. Ang pogi-pogi niya talaga lalo na ngayon. Magpeperform kasi ang banda nila ni On ngayon. Simple lang naman suot niya -- flannel na checkered tapos black shirt sa loob, pants pati high cut na converse na red.

"Pogi mo." Sabi ko at kinurot ang pisngi niya. Napangiti siya kaya lumabas pa ang dimple niya. Ang cute talaga.

Hinawi niya ang buhok ko and he cupped my face. Nilagay niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko at nilapit ang mukha niya sa'kin -- halos isang inch na lang ang layo ng mukha niya.

"Ano ba 'yan!" Napalingon kami ni Vin. Naitulak ko tuloy siya dahil sa gulat. Nang makita ko na si Zil lang pala iyon, agad akong napairap. Kairita talaga 'to kahit kailan. Panira ng moment!

Natawa silang lahat habang ako ay masama lang ang tingin sa kanila. Porke't wala silang mga jowa -- joke. 'Di pala kami magjowa ni Vin.

"Sige, punta na akong backstage." Paalam ni Vin sa'kin. Nawala bigla ang inis ko nang makita ko ang ngiti at dimple niya. Sarap iuwi.

Niyakap ko siya ulit. Ang sarap niya yakapin kasi ramdam kong protektado ako sa ganito -- ang liit ko kasi at ang tangkad niya. Naramdaman ko ang labi niya sa ulo ko kaya napapikit ako dahilan para mas yakapin siya ng mahigpit. Ayoko na kumalas dito. Dito na lang ako. Ayoko siyang bitawan. Hindi ako aalis sa piling niya, hinding-hindi talaga.

--

Nahanap ko ang sarili ko sa gitna ng grounds, hinihintay si Tracy. Ilang buwan na rin ang nakalipas at acquaintance party namin ngayon. Late nga, eh. Dapat sa simula pero halos kalagitnaan na ng school year ngayon. Ewan ko ba.

Nakaupo lang ako sa bench na malapit sa gate. Ang tagal tagal naman kasi ni Tracy! Sabi niya ay malapit na siya pero nasaan na ba iyon? Grabeng pag-aayos naman ginawa no'n, samantalang ang suot ko ay black sequined cocktail dress lang, dangling earrings at pumps habang ang buhok ko ay naka-messy bun.  Tingin ako nang tingin sa cellphone ko para makita kung nagtetext na siya, pero ni isang notification, walang lumalabas. Ano ba kayang suot no'n? Gown?

Nakatingin lang ako sa gate kanina pa. Kung sinu-sino na ang nakita kong pumasok na mha ka-bloc ko pero si Tracy ay wala pa rin. I swear, sasabunutan ko talaga 'yon pagdating niya kahit gaano pa kaganda ayos niya. May pumasok na isang babae at dalawang lalaki kaya awtomatiko akong napairap at tumayo. Si Tracy na 'to. Naka-cling pa ang braso niya kay Rene, e. Sila na nga pala. Rupok ni Tracy.

Si Tracy ay naka evening gown na blue at tinernuhan naman siya ni Rene na blue rin ang tux. Tinignan ko saglit si Vin. Simple lang ang suot niya, literal na suit and tie lang kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya nang matantong lilingon na siya.

"Hi!" Malaki ang ngiti niya sa akin. Nilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at sinimulan siyang sabihan ng kung anu-ano. Mabuti na lang wala ako sa mood makipagsabunutan ngayon.

"Sorry naman. Tagal ng mga sundo ko, eh." Pang-aasar niya pa kina Rene at Vin. Napairap ulit ako. Ang yabang, ha.

"Bakit kasi kailangan ng sundo, nandiyan lang naman bahay mo. Pinahirapan mo pa sila." Sabi ko bago mauna sa kanila maglakad.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant