Ikalabing pitong Kabanata

73 2 0
                                    

Panglabing pitong Kabanata

Sofa


"Oy, magligpit na kayo. Uuwi rin ako sa bahay ngayon." Sambit ni Zil habang kumakain kami ng french toast na luto ni Maxine. Tinali niya ang buhok niya sa isang messy bun at nagsimula siyang mag-ayos ng mga gamit.

"Ako na maghuhugas." Paalam ni Vin at tumayo na matapos kumain. Nagpagpag siya ng kamay at damit niya. Binigay na lang namin sa kanya iyong mga ginamit naming plato para makapaghugas na siya.

"Asawa material naman pala." Nagsalita si Amarie sa tabi ko. Nilingon ko naman siya at tinignan.

"Kunusta na college life mo?" Tanong ko sa kanya. Sumimangot pa siya sa'kin.

"Ayon, olats pa rin sa crush ko." Sagot niya at natawa ulit. Kinunutan ko siya ng noo dahil matagal na noong huling banggit niya sa crush niya. Noong highschool kasi ay senior high ang crush niya, at nagkataon pang pareho sila ng pinasukang school sa college.

"Sino? Si Ate Jessie?" Tanong ko pa ulit. Biglang nalungkot ang mukha niya kaya bahagya pa akong nagpanic dahil baka nasaktan ko siya.

"Hindi, 'no. May boyfriend na 'yun, eh." Ngumiti siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sino?"

"Hindi ko alam pangalan, eh. Basta alam ko senior sa engineering." Sagot niya na malungkot pa iyong ngiti.

"Eh, kaya ka pala olats kasi 'di mo alam pangalan!" Biro ko sa kanya. Nailing naman siya at sinuklay ang buhok niya habang natatawa.

"May picture ka sa kanya?" Tanong ko uli. Umiling siya at ngumuso.

"Stalk mo kaya blocmates mo? Suhestiyon ko. Ganoon kasi ang ginawa ko rati kay Tracy kaya friend ko na iyong iba kahit hindi ko naman sila close.

"Oo nga 'no? Ba't 'di ko naisip 'yun?" Sabi niya pa at napakamot sa buhok niya. Natawa na lang ako sa kanya.

"Amarie, ikaw na!" Sigaw ni Zil paglabas ni Maxine ng cr na kaliligo lang. Nagpaalam si Amarie sa'kin at tumayo na dahil siya na ang sunod. Tumayo na rin ako para pumasok sa kwarto ni Zil dahil naiwan ko pala roon ang bag ko sa tabi ng shelf niya. Kinuha ko roon ang cellphone ko at tinignan kung may messages ba. Pinatay ko iyon nang makita na wala naman pero tinext ko si papa na pauwi na rin ako.

"Shit." Nanlaki ang mata ko nang makita na nakasara na iyong pinto ng kwarto at kalalabas lang ni Vin ng cr.  Nakatalikod naman siya sa'kin at sana hindi na siya humarap. Gusto ko sanang magsalita at sumigaw kaso hindi ko magawa. Parang nakatahi iyong bibig ko kaya nanatili akong malaki ang mata at gulat na nakatingin sa kanya. 'Di niya man lang ba ako nakita rito?! 'Di naman gaano kalayo ang pwesto ko sa cr, eh!
Pinakalma ko ang sarili ko dahin bakit naman ako nagpapanic, wala namang masamang nangyayari.

Nagulat ako ulit nang makitang hinubad niya ang damit niya at nilagay iyon sa kama. Binuksan niya pa iyong cabinet sa tabi ng kama ni Zil. Napasinghap ako at napapikit nang mariin bago napagdesisyunang sumigaw. Para kasi akong tanga rito na nakatayo lang at nakatanga, baka mamaya isipin niyang minamanyak ko siya.

"Vin!" Napatayo siya agad. Lumingon siya sa'kin at nanlaki rin ang mata. Kaya pala hindi niya 'ko makita, 'di niya pala suot ang salamin niya. Sumingkit saglit ang mata niya bago nakita ako nang maayos.

"J-jana?!" Nautal pa siya at napalunok pa ako dahil nakikita ko na ang katawan niya. Nanatili akong 'di makaimik at nakatulala lang doon, kita ang maputi niyang balat. Kitang-kita ang hulma ng katawan niya na halatang inaalagaan niya pero hindi siya gano'n kabatak tulad nina Mateo, Franco, at On na may mga abs na niyayabang nila lagi at biceps. Sakto lang ang kanya kaya ang sarap niya yakapin.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now