Ikalabing tatlong Kabanata

77 2 4
                                    

Panglabing tatlong Kabanata

Voice Message


"Pagod na ako," Napayuko si Tracy sa table niya. Maski ako ay napamasahe na sa sentido ko. Sumasakit na ang ulo ko sa exams namin at mga kailangang ipasa.'Di na rin kami masyadong nagkikita nina Vin at Rene dahil maski sila ay busy na -- sa dami ba ng pinapasa nilang plates at mga exams pa.

"Konti na lang." Bulong ko. Konti na lang talaga ay matatapos na 'to.

Pero ito yata ang tatapos sa'kin.

Napahilata ako sa sala namin habang yakap at katabi ang mga librong binabasa ko. Katabi ko rin ay mga yellow pad, notebook, highlighter, at iba pang gamit sa pagreview. Natulala ako sa dingding namin habang humihinga ng malalim. Para sa dean's list, para sa kinabukasan. Kaya ko 'to. Kakayanin.

Bumangon ako muli para magsimulang mag-aral. Uminom ako sa kapeng nasa tabi ko para medyo mabuhayan naman. Nagsimula na uli ako magreview at inalis lahat ng nasa utak ko.

--

"Thank you, Lord!" Sigaw ni Tracy paglabas ng room ng huli naming exams sa finals. Napangiti ako at napailing. Sa wakas, tapos na rin. Napagod din ako pero sana maging worth it sa huli. Sina Vin ay hindi pa yata tapos kaya napagisipan namin ni Tracy na pumuntang SM manila para roon kumain at mag-ikot. Pumunta muna kaming national at doon dumeretso sa mga libro.

"Uy, Tokyo Ghoul." Wika ni Tracy at lumapit doon. Nangunot ang noo ko kaya sinundan ko siya. May bigla tuloy akong naalala.

"Regalo ko kaya sa kanya?" Sabi ko kay Zil. Tumagilid ang ulo niya.

"Ang ano?"

"Tokyo Ghoul na comic book?" Lumingon ako kay Zil na nakatingin lang sa'kin habang kunot ang noo bago nawala iyon. Naalala niya na yata.

"Ah, 'yung nakita namin.." Tumango-tango siya. Ngumiti ako sa kanya ulit. Bilhin ko kaya iyon para sa birthday niya? Pag-iipunan ko na lang. Sana naman mapansin niya na ako, 'no?

Nawala iyon sa isip ko nang bigla akong kalabitin ni Tracy. Hawak niya na iyong libro ng tokyo ghoul. Tinignan ko iyon saglit. Hindi natuloy ang pagbili ko no'n dahil nawalan ako ng pag-asa. Grade 8 yata kami nu'n?

"Bibilhin mo?" Tanong ko kay Tracy. Tinignan niya iyon at tinignan ang likod. Bahagyang nanlaki iyong mata niya at binalik agad iyon sa shelf.

"Ang mahal. Next time na." Sabi niya at hinawakan ang braso ko. Naalala ko ngang mahal iyon.

"Nanonood ka pala ng ganyan?" Tanong ko paglabas namin ng national.

"Oo, pareho kami ni Rene." Ngumiti siya.

"Pati ni Vin."

"Hmm." Tumango siya. Nagtingin-tingin ako kung saan pwedeng kumain. Nagugutom na talaga ako.

Napagdesisyunan na lang naming kumain sa greenwich. Lasagna lang ang kinain ko habang meal naman iyong kay Tracy. Daldal nga siya nang daldal, eh. Ako naman ay tahimik lang na tumatango sa sinasabi niya. Wala akong gana magsalita, eh. Tumayo ako nang matapos ang kinakain ko at umorder na naman.

Bumalik ako sa table namin ni Tracy pagtapos. Tapos na rin pala siya kumain at nakahawak na lang siya sa cellphone niya.

"Sunod daw sina Rene." Bungad niya sa'kin pagkaupo. Tumango na lang ako. Tapos na rin siguro sila. Gusto ko nga sanang yayain sina Zil mag-inuman kaso baka hanggang bukas pa sila. Pupunta naman kami sa paskuhan dahil inimbita na kami ni Maxine at Bria.

Dumating ang order ko at kasabay naman noon ang pagdating nina Rene. Naupo si Vin sa tabi ko at sa tabi ni Tracy naupo si Rene.

"Order na kayo." Banggit ni Tracy. Tumango si Rene at niyaya rin si Vin. Tinignan ako saglit ni Vin at binigyan ng maliit na ngiti. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Tumayo sila pareho para umorder.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz