Ika-sampung Kabanata

111 2 5
                                    

Pangsampung Kabanata

Kamay

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko kay Vin paglabas ko ng cr habang pinupunasan iyong buhok ko. Ngayon lang ako nakaligo, kadiri. Pero maski iyong iba ko namang kaibigan ay hindi pa yata naliligo kaya okay lang. Hindi naman kami nag-aamuyan.

"Hmm." Tumalikod siya at yumakap ng unan. Ngumuso ako at bumalik sa cr para isabit ang tuwalya. Lumabas uli ako at nilapitan si Vin na nakapikit pero bahagyang nakangiti. Labas na naman ang dimple. Sarap kurutin.

"Vin." Umupo ako sa gilid ng kama kung saan siya nakaharap. Nakaside view lang ako sa kanya at hinawi ko ang buhok niya. Ang haba na rin at nakaharang pa sa mata niya. May bangs kasi siya.

Gumalaw siya ng kaunti. Kinapa ko uli ang leeg niya para tignan kung mainit siya. Kumpara kanina, medyo bumaba naman ang temperatura niya.

"Vin." Tawag ko uli sa kanya. Kumunot lang ang noo niya. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan muna siyang matulog. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para tignan uli ang mga kaibigan ko -- na bagsak na naman pala. Tulog na naman halos lahat sila. Sina On st Zil ay hindi tapos naglalaro pa sila ng ketchup-an. Napailing na lang ako at hindi na sila pinansin.

Pumunta ako sa ref para uminom na lang ng tubig. Naisip kong dalhan si Vin pero hindi malamig iyon. Pumasok uli ako ng kwarto at umupo sa tabi niya. Pinatong ko ang tubig sa drawer kung saan nakapatong ang planggana.

"Vin, gusto mo tubig?" Tanong ko at hinawakan ang balikat niya. Gumalaw uli siya paharap sa'kin. Nagulat ako nang hawakan niya iyong kamay ko.

"Gusto kita.." Bulong niya. Napangiti ako at marahang hinaplos ang kamay niya gamit ang thumb ko. Hindi ko alam kung gising na siya pero nakangiti siya at nakapikit. Hinayaan ko na lang muna siya.

Pinagmasdan ko siya -- mukha siyang anghel. 'Yung panlabas niyang anyo pati na rin ang panloob. Hindi ko alam kung paano ko siya nagawang tiisin noong una kahit na alam ko namang gusto ko pa rin siya. Ayon lang, hindi pa ako sigurado kung ganoon ko pa siya kamahal katulad dati. Maraming nangyari, at kahit man may paliwanag na ang nagawa niya noon ay hindi ko pa rin maiwasang maisip 'yon. Marami namang sigurong pwedeng paraan? Bakit kinailangan niya pa akong saktan? Bakit kailangan ganoon pa? Nabaliw na ako kaiisip no'n noong highschool pero ngayon lang nasagot.

Naiintindihan ko naman siya, lahat ng dahilan niya. Pero siguro, hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa ulit. Naalala ko uli ang sinabi niya kagabi, nililigawan niya raw ako? Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Tumayo na lang ako at nangaya. Hindi ko alam kung anong naramdaman niya no'n pero sana maintindihan niya ang pinanggalingan ko. Mababaw, siguro. Pero hindi naman nababawi no'n ang lahat ng nangyari.

"Vin, kausapin mo naman ako!" Sigaw ko habang nakatalikod siya sa'kin at halos nasa kabimang dulo na. Nasa gitna kami ng hallway at mabuti na lang ay nasa klase pa rin ang lahat. Mukha kasi akong tanga rito.

Napatigil siya. Tatakbo na sana ako papunta sa kanya pero ni hindi man lang siya lumingon sa'kin. Ang sakit. Ang sakit sakit.

"Vin.." Tawag ko uli sa kanya. Patuloy ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko.

"Vin, ano bang nangyari sa'tin? Pagod ka na ba sa'kin? May ginawa ba akong masama?" Humihikbi kong sabi. Para na akong tangang nagmamakaawa rito pero siya ay parang tuod lang na nakatayo.

"Putangina naman, Vin! Kung may problema tayo, sabihin mo! Hindi ganito! Hindi 'yung hindi mo ako pinapansin sa chat man o sa totoong buhay!" Sigaw ko na sa kanya. Hindi pa rin siya lumilingon pero nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now