Ikadalawampu't dalawang Kabanata

69 3 8
                                    

Pangdalawampu't dalawang Kabanata

Couch

Binalot ko ang mga braso ko sa leeg niya para palalimin iyong halik niya sa'kin. Hinawakan niya ang kanang bahagi ng leeg ko at marahang hinaplos iyon. Habol hininga kami noong natapos pero ang lapit pa rin ng mukha niya sa'kin at ganoon pa rin ang ayos namin.

"Pwede na ba tayo gumawa ng baby?"

Agad ko siya hinampas sa dibdib at tinulak kaya natawa siya. Nakangisi pa siya noong sinabi niya iyon gamit ang malalim niyang boses. Inikutan ko siya ng mata at nagsimulang maglakad, iniwan siya ulit doon. Agad siyang sumunod sa'kin at nilagay ang braso niya sa bewang ko, hinahapit ako palapit.

"Joke lang, hindi pa naman kailangan. Ikaw naman ang baby ko." Bulong niya sa tenga ko. Ngumuso ako at pinigilang ngumiti dahil aaminin kong kinilig ako roon sa sinabi niya. Ang hyper niya ngayong araw, o baka ako lang nakapansin no'n at madalas siyang ganito. Ewan ko ba rito.

"Yie, kinilig." Panunukso niya sa'kin nang makarating kami sa dulo ng eskinita at naroon na kami sa street ng bahay ko. Napailing na lang ako
at tumigil sa paglalakad para harapin siya. Inabot niya naman ang bag ko kaya sinuot ko na iyon.

"Salamat sa pagkain."

"Salamat din. Sarap mo nga eh."

Sinuntok ko iyong braso niya dahil doon sa sinabi niya. Natawa naman siya sa sinabi niya habang hawak ang braso niya.

"Halika nga rito." Aniya at hinila ako para yakapin. Nakasubsob lang ako sa dibdib niya dahil maliit lang naman ako at mahigpit niya akong niyakap. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago siya umalis at nagpaalam. Naglakad na rin ako papunta sa bahay at dumeretso sa kwarto.

Ilang linggo ang makalipas at ganoon pa rin naman, wala namang nagbabago. Hinahatid niya pa rin ako lagi sa bahay at hihintayin ko siya sa tuwing may rehearsal. Hindi naman siya nagtatagal doon kaya ayos lang sa akin. Dumating na rin ang araw ng performance nila sa malapit na bar at sadly, hindi kami nakumpletong CG dahil mga busy rin sila. Ang tanging mga nakapunta lang ay sina Amarie, Leila, Bianca, Maxine, Eliott, Anton at Franco. Wala iyong mga magjowa dahil maraming ginagawa kaya sabi nila na babawi na lamang sila sa susunod na alis namin.

Nakasuot ako ng white ribbed bungee cami top na tinernuhan ng black leather skirt at boots na may heels. Nakalugay lang ang buhok ko at may kaunting clips na nakakabit at bitbit ko rin iyong black and gold kong sling bag. Suot ko rin ang necklace na binigay sa akin ni Vin at silver earrings na hugis buwan.

Malapit ang lamesa namin sa kanila kaya naaaninag ko si Vin nang maayos. Medyo magulo ang buhok niya at nakawhite siyang polo na bukas ang limang butones at black shirt sa loob, may chain ding nakasabit sa leeg niya. Marami siyang suot na singsing at nakaripped jeans din siyang black. May earring siya sa kaliwang tenga niya na kumikinang pa at suot niya ang combat boots niyang black. Napainom ako sa shot glass na nasa harapan ko dahil nag-iinit ang mukha ko. He looked dashing and more attractive than usual in his outfit. I can get used to what he is wearing right now but I know that he only wears that kind of stuff when performing in a band. Alam ko kasi ang extra niya pumorma kapag may performance simula pa noong highschool. Hindi talaga ako nagugulat na marami siyang fangirls dahil sino ba namang hindi maaattract sa kanya?

Nagulat ako dahil hindi pa nagsisimula ang performance nila ay may sumigaw na ng pakasalan mo ako Vin. Napalingon ako kaagad dahil sa lakas ng tili niya pati na rin at pagkalabit ni Amarie sa akin. Tinaasan ko ng kilay iyong babae na may hawak pang tarpaulin na may nakalagay na "I love you Vin" doon. Hindi niya siguro ako nakita pero tinuro ako kaagad ng kaibigan niya. Inirapan niya ako kaya nag-init ang dugo ko at tatayo na sana pero pinakalma ako ni Leila.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now