Ikalabing apat na Kabanata

95 2 6
                                    

Panglabing apat na Kabanata

Fireworks



"Luziel Janaria, my light, can you be my paskuhan date?"

Natulala pa ako saglit sa cellphone ko nang matapos ang voice message na iyon ni Vin.  Nakakainis 'yung epekto niya sa'kin. Parang nabaliw na naman ako ulit dahil sa simpleng tanong palang na iyon.

Vin: Uy Jana

Vin: Did I freak you out?

Vin: Janaaa

Luzi: Kainis ka.

Vin: Hala, bakit? :(

Luzi: Nambibigla ka naman masyado!

Vin: Sorry na. :(

Luzi: Anyway.. oo naman. 

Vin: Anong oo?

Luzi: I'll be your paskuhan date, Vincent.

Napahiga na lang ako sa kama ko at niyakap ang cellphone ko. Napatingala ako at natulala. Para akong hinehele sa langit sa sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang tanga lang akong nakangiti at pinaglalaruan na ang mga daliri ko habang hindi tinitignan iyong cellphone ko. 'Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil halo-halo na naman ang emosyon ko. Natutuwa ako at sobrang saya ko ngayon dahil wala na akong prinproblema -- ngunit natatakot din ako na baka lahat ng ito ay may kapalit. Natatakot ako na baka may mangyaring masama pagtapos ng lahat.

Bumuntong-hininga ako at natulala uli saglit. Bahala na. Hahayaan ko na lang munang sumaya ang sarili ko kaysa mag-isip.

Binuksan ko uli ang cellphone ko para magreply kay Vin na sunod-sunod na ang chat sa'kin. Napanguso ako kasi ang cute niya talaga kaya nireply-an ko na lang lahat ng iyon. Paiba-iba na ang pwesto ko sa kama habang kausap siya at minsan napapansin ko si ate na nakakunot lang ang noo habang nakatingin sa'kin pero tahimik lang naman siya. 'Di ko na lang siya pinansin at patuloy lang na nagtype. Bumaba kami para magdinner at umakyat uli matapos kumain.

'Di ko na maitago ang excitement ko dahil sa paskuhan bukas. Nakita kong madilim na kaya tumayo ulit ako para buksan na ang cabinet ko at maghanap ng susuotin. Sa huli ay napili kong magsuot ng self tie blsck halter top, black na pencil skirt, fishnet at boots na black. Minsan lang naman ako magsuot ng ganito kaya lulubusin ko na. Hinanger ko na lang iyon at sinabit sa loob ng cabinet para kapag gumising ako kinabukasan, madali na lang hanapin.

--

Maaga akong nagising nang magfriday. Hindi ko na naisipang pumasok pa dahil wala naman nang gagawin. Tumulala muna ako habang nakaupo sa kama bago bumangon. Mamayang hapon pa naman iyon pero kasi late na ako nagising. 11 am na pala. Gano'n na yata talaga ako kapagod. Ngumuso ako at kinuha ang phone ko. Bungad na naman si Vin sa messenger ko. Good morning ulit. Napangiti ako dahil 'di niya nakakalimutan bumati palagi. Sana lang 'di siya magsawa.

Masaya ko siyang nireply-an nang nakangiti. Bumalik ako sa kama at umupo habang nagsusuklay na. Nagulat pa ako dahil may biglang bumato ng unan sa'kin. Inis kong tinignan si ate at hinaplos ang likod ng ulo ko. Nabitawan ko tuloy iyong suklay ko.

"Ate naman!" Sigaw ko. Tinignan niya ako at ginilid pa ang ulo niya.

"May jowa ka na ba?" Tanong nito sa'kin na seryoso lang. Agad kong binato sa kanya pabalik ang unang binato niya sa'kin.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now