Ikalabing-isang Kabanata

107 2 1
                                    

Panglabing isang Kabanata

Escalator





"Ah," Napasabunot na naman ako sa buhok ko nang mainis na naman ako at itapon ang draft ko. Hindi ako makatuntento sa essay ko dahil pakiramdam ko ay hindi iyon sapat. Parang may kulang pang mga detalye at hindi ko mapuna kung ano iyon.

Sumandal ako sa sofa at tumingala para mag-isip. Kung sana ay hindi ako nakukulangan dito, kaninang 9 pa lang ay tapos na ako. Kaso kapag binabasa ko ang sinulat ko nang paulit-ulit, biglang nakukulangan ng kung ano kaya inuulit ko na naman.

Pumikit ako nang mariin. Baka sa ganitong paraan ay mapiga ko pa ang utak ko. Pagod na pagod kasi ako kaya wala akong masyadong mapulot pero kaya ko pa naman. Kailangan kayanin. Nang may maisip kaunti ay sinulat ko na iyon. Kailangan ko na matulog -- gustong-gusto ko na matulog. Pagod na pagod na ako sa dani ng nangyari noong nakaraang dalawang araw.

Napabuntong hininga na lang ako nang mabasa na ang buong draft ko. Mabuti na lang at nakuntento na ako. Sinulat ko na lang ulit iyon sa malinis na papel dahil maarte ang prof namin. Gusto niya raw, old style tapos malinis. Daming arte, imbes na tinatype ko na lang para mas maganda tignan, eh. Niligpit ko agad ang gamit ko at kinuha ang cellphone kong mabuti na lang ay natiis ko.

Umakyat ako at binuksan ang wifi sa phone ko para tignan ang messenger. Bigla akong napangiti pagsampa sa kama dahil bumungad doon ang pangalan ni Vin.

Vincent Eliandra: Good night, Jana.

Janaria Clementine: Good night, Vin! :))

Vincent Eliandra: Sweet dreams.. dream of me. ;)

Kinagat ko ang labi ko dahil bigla akong kinilig. Para ulit akong Jana noong Junior High na simpleng bagay ay kinikilig na, pero mas malala naman iyong mga ginagawa niya ngayon. Niyakap ko ang tuhod ko at sumandal ako sa headboard ng kama ko.

Janaria Clementine: Matulog ka na nga!

Vincent set your nickname to Light.
Vincent set his nickname to Vin.

Light: At talagang ginamit mo pa ang meaning ng nickname ng first name ko, ha?

Vin: Namiss ko lang, hehe.

Vin: Pero paano ba 'yan, mas miss kita?

Halos mapunit na ang labi ko kakagat ko rito. Imbes kasi na natutulog na ako ngayon, ito ako at kausap si Vin na wala nang ginawa kundi ang bumanat! Isang buwan na siyang ganyan kaya medyo nasanay na ako pero minsan ay nagugulat pa rin talaga ako sa sinasabi niya.

Light: Tulog na lang tayo, Vin. 12 na, oh.

Vin: :(

Vin: Okay po, Madam Baby. Sleep well and dream of me ;).

Light: Sleep well din.

Pinatay ko ang phone ko at nilagay iyon sa tabi ko sa kama. Natulala pa ako saglit bago humiga. Pumikit ako pero hindi pa rin ako makatulog kaya dumilat uli ako. Sabi nang gusto ko na magpahinga at matulog, tapos ngayon naman hindi ako mapakali. Ano na ba talagang nangyayari sa'kin? Binabaliw yata ako ni Vin, eh. Kung hindi pa ako ganoong kabaliw sa kanya.

Para mapanatag na ako, binuksan ko na naman ang phone ko at tinitigan ang messenger. Nakita kong online pa rin si Vin at nag-isip pa kung dapat ko ba siyang i-chat o hayaan na lang. Nagtype ako pero dinelete ko ulit. Ngumuso ako kasi paulit-ulit ko iyong ginawa pero nahihiya ako. 'Di ko rin alam kung bakit, eh dati nga ako pa ang nangungulit lagi sa kanya.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon