Ikatatlumpu't isang Kabanata

84 2 4
                                    

Pangtatlumpu't isang Kabanata

Hair

[ Play "Falling like the Stars by James Arthur ]

"Eliandra!" Bigla akong napalingon nang may sumigaw sa pangalan ko. Umirap ako at nakita na si Zil lang pala ito, nakahawak ang dalawang kamay sa bewang. Ginilid niya ang ulo niya.

"Practice na raw! Tulala ka na naman diyan, eh." Sigaw niya pa sa'kin.

"Oo, susunod na ako." Sagot ko at inayos ang salamin at buhok ko. Pinunasan ko iyon at nang isuot ko ulit ay nagsalubong ang kilay ko. Nataranta agad si Jana sa upuan niya at muntik pang mahulog kaya kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa.

"Tanga ka." Sabi agad ni Amarie sa kanya dahil hindi siya nahulog pero nahulog ang upuan niya. Napailing ako at tumayo para tulungan siya.

Inangat ko iyong upuan at nahihiya naman siyang magpasalamat sa'kin. Binatukan agad siya ni Amarie pero nanatili lang walang ekspresyon ang mukha ko.

"Vin!" Napalingon ako dahil sumigaw uli si Zil. I rolled my eyes at pumunta sa dulong parte ng room para puntahan sila. Tinignan ko siya ulit at tinaasan ng kilay nang makitang nakatingin siya sa'kin. Agad naman siyang nag-iwas at bumalik sa ginagawa niya, kinulit pa si Amarie. Napailing na lang ako at nakinig na kina Zil.

Jana was always bold with her actions. Naobserbahan ko iyon simula grade 7 noong may crush siya sa isang higher year. Hindi ko siya kaklase no'n ngunit naririnig ko sa iba na muntik pa siyang mapaaway dahil sa nasabi niya. One thing I admire about her is that she is straightforward and doesn't get shy around her other crushes. Well, hindi ko alam sa'kin. May mga oras na naririnig ko siyang kinukumplento ako pero kapag matatabi ako sa kanya o dadapo ang tingin ko sa kanya, nananahimik siya. Don't get me wrong, I'm not a feeler. Base lang naman 'yon sa palagi kong nakikita.

Grade 7 palang ay marami nang nagkakagusto sa'kin kaya hindi na ako nagugulat sa tuwing may umaamin. Kadalasan ay ngingitian ko lang sila bago sabihin hindi pa ako handang makipagrelasyon. Bata pa naman kasi kami no'n at alam kong halos lahat naman ay infatuation lang ang nararamdaman sa'kin.

Jana, on the other hand, was different. Grade 8 nang maging kaklase ko siya. Bago ako, marami pa siyang nagustuhang iba at nakikita ko kung paano niya pakitunguhan ang mga iyon. Kumpara sa'kin, kinakausap niya agad sila at ipaparamdam na gusto niya ang tao. Hindi ko nga lang alam kung bakit sa'kin ay hindi gano'n. Aaminin kong hinihintay kong magchat siya minsan at kausapin ako dahil iyon ang alam kong gagawin niya. Sometimes, I find myself staring at her profile in the active list. Iniisip ko kung dapat ko ba siyang ichat o ano, pero bumabalik ako sa wisyo at tinatanong ang sarili ko kung bakit ko naman gagawin 'yon.

"Vin! Ang pogi mo!" Narinig kong sigaw ng isang babae isang araw habang nagpapractice kami ng basketball sa gym. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaro with an emotionless face.

"Vin! Shoot mo na!" Narinig kong sigaw ni On nang mapunta sa'kin ang bola. Shinoot ko iyon at natapos na ang practice namin. Naupo ako sa bangko at nagpunas ng pawis na namuo sa noo ko.

"Oh, tubig daw." Inabutan ako ni Anton. Kumunot ang noo ko dahil sa pagkakaalala ko, naiwan ko ang water bottle ko sa bahay.

"Kanino galing?" Tanong ko at binuksan na iyon.

"Kanino pa ba?" Sagot niya at tumabi sa'kin. Nagsalubong ang kilay ko at nag-angat ng tingin. Agad napadpad iyon kay Jana na halos makipagsabunutan na kay Leila sa tabi niya roon sa may railings. Napangisi na lang ako at tumayo uli para magexercise.

"Vin, crush kita." Napatigil ako sa paglalakad nang may huminto na babae sa harapan ko. Kumunot ang noo ko sa nakalahad niyang envelope. I stared at her with no emotion in my face. Napakagat siya sa labi niya.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now