Ika-pitong Kabanata

157 4 2
                                    

Pang-pitong Kabanata

Mcdo




"Hi, Vin! Hello, Jana!"

Natulala ako at napalunok. Anong ginagawa ni Andrea rito at paano niya kami nahanap?!

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Vin. Tinignan ko siya at bumalik sa blanko ang itsura niya. Hindi katulad kanina at noong friday na punong-puno ng ekspresyon mata niya. Nag-iba na naman ngayon.

"You have utang sa'kin, 'diba?" Nagtaas siya ng kilay at hinawi iyong buhok niya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang sabunutan bigla.

"Huwag muna ngayon --" Pinutol siya ni Andrea.

"Anong 'wag?! I want to meet her na!" Umirap siya. Nangunot lalo ang noo ko at palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sinong meet? Sinong her? May jowa na ba si Vin? O baka gusto niya na makilala mama ni Vin?

Nagulat ako nang lumapit siya bigla sa amin. Rinig na rinig pa ang pagtama ng heels niya sa sahig. Nakasabit ang bag niya sa braso niya at ngumiti siya ng malawak sa akin. Ano bang meron? Naguguluhan na talaga ako.

"Hi, Jana! I really wanted to meet you!" Niyakap niya ako bigla. Muntik pa akong mabulunan dahil hindi ko alam kung anong nangyayari. Ha?

"I'm Vin's cousin! Don't worry, hindi ako isa sa fangirls niya!" Natatawa niyang sabi nang makita siguro ang itsura kong naguguluhan pa rin. Si Vin ay nakayuko at kinakamot na naman ang pisngi niya habang nakangiwi.

Teka, ano raw? Cousin? Pinsan niya si Vin? Seryoso?

"His utang to me is you. Nagpatulong kasi siya sa'kin paano raw manuyo ng girl. I said that kapalit ng pagtulong ko sa kanya, he will let you meet me." Nakangiti at maarte niyang sabi. Ngumuso ako at tinignan si Vin na nakatingin lamang sa taas. Ito? Magpapatulong? Teka, magpinsan sila?

"Sorry if nagulat kita! Hindi ko sinasadya! Akala mo siguro I'm one of Vin's fangirls. Yuck lang!" Inikot niya pa ang mata niya. Natawa ako ng kaunti.

"Ikaw naman kasi Adam, why didn't you tell her agad?!" Singhal ni Andrea kay Vin at pinitik pa ang noo ni Vin. Natawa ulit ako ng kaunti. Ang cute nilang magpinsan. Naguilty tuloy ako dahil gusto ko pang sabunutan si Andrea kanina. Mabait naman pala siya, eh. Sadyang maarte lang talaga.

"Let's go, Jana! I wanna talk to you!" Agad niya akong hinila sa braso at inakbay ang kanya roon. Lumingon ako kay Vin para tignan ang reaksyon niya at nakita kong awkward lang siyang nakangiti at kumaway habang kagat ang labi.

Nang medyo makalayo kami ay napunta kami sa gitna ng buong university. Umupo kami ni Andrea sa bench.

"So, what do you think of my torpe pinsan?" Tanong niya kaagad. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at ngumuso.

"You know, tagal ka na talagang gusto no'n. Super nagtitimpi lang dahil nga you know, kay Naia." Kwento niya. Tumango ako at medyo nakita ang hawig nila ni Vin. Maputi rin siya, naka-contacts, Mahaba ang itim na itim niyang buhok na medyo makapal. Nakasuot siya ng simpleng shirt at maong na palda, tapos boots.

"Gano'n ba kastrict parents niya?" Tanong ko. Ang alam ko lang tungkol sa kanila ay bawal siya magkaroon ng girlfriend dahil bunso at dapat nakafocus lamang sa acads.

Tumango siya. "Although magkapatid mothers namin, mas strict ang kanya. I don't know why pero siguro ayaw matulad doon sa kuyas niya na playboys talaga. So, ang ginawa ni tita, pinagbawalan niya magkaroon ng gf si Vin. If he had one, sabi niya ay papalipat niya sa Cavite. Vin doesn't like it there dahil ayaw niyang mahiwalay rito sa Manila. Dito na rin siya lumaki, eh." Pagkwento ni Andrea. Tumango-tango na lamang ako.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon