Ika-anim na Kabanata

177 5 0
                                    

Pang-anim na Kabanata

Brownie





"Deputa." Mura ko agad paggising. Kasi naman, malalate na ako at hindi man lang ako ginising ni ate!

Bumangon agad ako sa kama at nagmamadaling pumuntabg cr. Mabilis akong pumili ng damit pagtapos at sinuot ito. Basang-basa pa ang buhol ko kaya binalot ko iyon sa tuwalya habang naglalagay ng sapatos. Muntik pa akong bumaliktad dahil nakayuko ako at ang bigat pa ng towel sa ulo ko. Tinanggal ko na lang iyon at nagsintas ng sapatos bago dumeretso sa salamin namin at kumuha ng suklay. Tinuck-in ko na ang shirt ko sa pants at kinuha na ang bag ko. Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang 7:30 na. Napamura ulit ako nang mahina habang tumatakbo pababa ng hagdan. Muntik pa akong madulas sa dulong step pero buti na lang ay napakapit ako sa railings.

"Alis na ako, Pa!" Sigaw ko bago kumuha ng sandwich at nilagay ito sa ziplock. Hinalikan ko ang pisngi ni papa at tinap lang ang ulo ni ate na nagpipigil ng tawa dahil sa kamamadali ko. Sarap niya batukan.

Kinawayan na lang ako ni papa dahil ngumunguya pa siya at si ate naman ay natatawa pang sumigaw ng 'ingat late ka na' bago ako lumabas ng pinto.

Tinignan ko uli ang phone ko at nanlaki ang mata nang makita na 7:45 na. Shit. Mukhang malalate ako sa first class ko. Bahala na.

Dere-deretso lang akong naglalakad nang mabilis habang nagdadasal ba sana late o wala ang prof namin. Ang bilis ng lakad ko kaya halos mabangga pa ako ng kotse noong patawid na ako. 7:50. Napapikit ako at tumakbo na papunta sa entrance ng school namin. Agad kong tinap ang ID ko bago tumakbo ulit papasok patungo sa escalator.

Nang makarating sa floor ng room, agad akong tumakbo papunta roon. Bumagal ang paglalakad ko nang makaabot sa tapat at sumilip muna sa pinto. Fuck. Buti na lang wala pang prof. Terror pa naman prof namin dito.

"Bakit ka late?" Tanong agad ni Tracy pagkaupo ko sa tabi niya. Inayos ko ang bag ko pati ang upo ko.

"Nalate ng gising." Simpleng sagot ko. Naglabas pa ako ng ballpen at tinap ang upuan ko.

"Wala ba si Sir?" Tanong ko nang 30 minutes na ang lumipas at wala pa rin siya. Ano ba 'yan, nagmadali ako para sa wala?

"Mukhang wala, eh. Hindi naman siya humihigit ng 30 minutes sa pagkalate." Nagkibit balikat si Tracy. Napairap ako at nilabas na lang ang phone ko.

Unknown Number Calling...

Ha? Sino 'to? Sino naman tatawag sa'kin?

"Hello?"

"Hey, where are you?"

"Ha? Sino ka ba?"

Sino ba 'to? Maka where are you, ha.
Close ba kami?

"Si Vin 'to. Where are you?"

"Ha? Paano mo nalaman number ko?"

"Uh.."

Nang matauhan ako ay masama kong tinignan si Tracy na nakangiti lamang at nakatutok sa phone niya. Ano ba 'to, feeling ko konti na lang ay ibubugaw na ako nito kay Vin, eh. Kung hindi niya pa ako binubugaw.

"Jana?"

"Ha? Ano?"

"Sunduin kita. Nasaan ka?"

"Ha? Bakit? Bati na ba tayo?"

"Jana..."

Nagring bigla ang bell hudyat na time na. Tumayo ako at binabaan ng phone si Vin. Bakit? Sinong nagsabing bati na kami, ha? Sabi ko lang naman pag-iisipan ko. Hindi pa naman buo ang desisyon ko roon.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon