Ikadalawampu't tatlong Kabanata

65 2 7
                                    

Pangdalawampu't tatlong Kabanata

Lababo

Matapos ng gabing iyon sa bar ay pagod na pagod akong umuwi. Medyo lasing pa nga ako at tipsy kaya nagpatulong ako kay ate para makapasok ng bahay na hindi halatang lasing. Mabuti na lang at tinulungan niya ako dahil ganoon din ako palagi sa kanya lalo na noong highschool pa lang ako.

Nanakit kaagad ang ulo ko paggising pero hindi ko na lang iyon pinahalata para 'di na pagalitan pa ni papa. Naligo kaagad ako para mahimasmasan na rin at mukhang 'di rin ako naligo kagabi. Mukhang bumagsak lang ako sa kama at natulog nang ganito ang ayos. Napangiti ako sa sarili ko nang tumapat ako sa salamin dahil naalala ko iyong nangyari kagabi. Para akong tanga na biglang sumayaw sa harap ng salamin habang nagsesepilyo.

"Jana!" Narinig kong sigaw ni ate sabay ng katok niya sa pinto ng cr. Umirap ako at binilisan na lang ang pagkilos dahil natanto kong may pasok pala siya ngayon. Paglabas ko palang ng cr ar madali siyang pumasok doon at binagsak ang pinto. Napailing na lang ako at nag-ayos.

Bumaba ako para kumain na ng almusal at nangunot ang noo nang makita na wala si papa roon. May nakita akong sticky note sa lamesa kaya kinuha ko agad iyon at binasa.

Jana at Jeza, aalis muna ako ngayon at pupuntang Cavite. Bukas pa ako makakauwi. May iniwan akong pera diyan pangkain.

- Papa

Dinikit ko ulit iyon sa lamesa at nagsimulang kumain. Naisip ko si Vin at kung dapat ko ba sihang yayain na pumunta rito dahil walang tao sa bahay o aalis na lang ako. Natulala pa ako ilang saglit habang kumakain at nang matapos ay agad akong naghugas ng plato. Umakyat ako para kunin ang phone ko at bumaba ulit para humiga sa sofa. Binuksan ko agad ang messenger at bumungad naman doon ang message ni Vin kaya napangiti ako agad.

Vin: Good morning, bb. ;)

Light: Good morning, babe.

Vin: Cold naman nito :(

Natawa ako dahil do'n at nilagyan ng fire emoji 'yung good morning ko. Nagtampo pa siya kaya kinailangan ko pang suyuin. Siya yata iyong
babae sa'min at hindi ako, eh.

Light: Free ka ba ngayon?

Vin: Huh? Why?

Light: Walang tao rito sa bahay, eh.

Napakagat ako sa labi ko habang hinihintay ang reply niya. Papapuntahin ko sana siya rito sa bahay o pwede rin namang umalis kami para maggala. Kahit saan naman kami magpunta, basta gusto ko lang siya makasama.

Vin: Uh, punta ako diyan? Pwede naman. :DD

Light: Okay. Ingat mamaya :P.

Binaba ko ang phone ko at tumayo para umakyat uli ng kwarto at ayusin ang itsura ko. Tinapik ni ate ang ulo ko bago lumabas at nagpaalam na rin. Nagsuklay lang ako at tinignan ang itsura ko sa salamin. Nakaoversized shirt lang ako na beige ang kulay at shorts na hindi naman kita. Bumaba ako para ayusin ang lamesa at tinignan ang ref kung may laman pa ba iyong pagkain na pwede kong lutuin para sa lunch namin mamaya. Mayroon pa naman kaya nilubayan ko na ang ref at umupo sa sofa para hintayin si Vin. Mamayang 11 pa raw siguro siya makakarating at 9 am palang naman kaya naisip kong magsimula ng tawag sa kabilang gc namin na puro babae lang.

"Oh, bakit?" Tanong ni Zil na naunang sumagot. Nakahiga pa siya sa kama niya at nakatakip ang braso sa mata.

"Wala lang. Miss ko na kayo." Panimula ko. Sumunod namang sumali iyong iba. Nagtaas ng kilay si Leila.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora