Ikatatlumpu't apat na Kabanata

102 3 8
                                    

Pangtatlumpu't apat na Kabanata

Elevator

"And now I'll teach you how to ki--"

"Andeng!" I shouted when I saw a picture of two people kissing in her powerpoint presentation. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"What, Adam? You should know this to -"

"Manliligaw lang ako, Andrea. Hindi ko naman siya hahalikan agad." I said. Totoo naman. Bakit ba kailangan ko pa 'to malaman?

She rolled her eyes. "Yeah, but you'll get to that point. 'Wag ka na umangal diyan and listen to me na lang. I'm more experienced than you." Sabi niya pa. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan na siya roon. Whatever.

Noong binalita ko sa kanya na manliligaw ako, natuwa siya agad dahil first time ko 'to. Ngayon lang din naman ako lumapit sa kanya, eh. She knew about Jana because I told her the whole story and now she's pressuring me to do what she says perfectly. Ito nga at naghanda pa siya ng presentation. I want to do it my own way and I just wanted to ask for a little advice, but she put so much effort to it.

"Hoy, you'll introduce me to her, ah! Kahit ayon na lang change para rito! You didn't pay me na nga!" She shouted when I spaced out.

"Hindi ko naman sinabing gumawa ka ng ppt --"

"Yeah, yeah! Basta I'll treat this as utang! Jana's your utang to me!" Sabi niya. Kumunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako kaso ay sinara ko na lang ang bibig ko. Baka siraan pa ako ni Andrea sa harap ni Jana, 'no! Ayoko namang mangyari 'yon!

Sinabihan ko si Andrea na 'wag munang ipaalam kay Jana na manliligaw ako. Sabi ko lang kapag nagtanong siya, isagot niya na lang na nagpatulong lang ako kung paano manuyo. Magkalapit naman na iyon at noong nagkausap naman daw sila ni Jana, hindi naman siya nagtanong tungkol do'n. I felt relieved, though.

Naging malapit sila kaya naman sinabi ni Andrea na roon na magdebut si Jana sa bar ng pinsan namin. Agad naman siyang pumayag kaya roon nga ginanap ang birthday niya. Imbitado ang CG doon at iilang mga kabloc namin kaya medyo napuno rin ang venue. We played a round of shot or truth/dare kaya medyo kinabahan ako sa pwede nilang ibatong tanong at ipagawa sa'kin. Nang tumapat ang bote sa'kin, bahagya akong napalunok. Lalo na nang makita ang mapanuring tingin ni Max sa'kin. Mukhang alam ko na ang itatanong niya.

"Kinakabahan ka ba?" Bulong ni Jana.

"Hindi." I confidently said kahit medyo kinakabahan nga ako. Umayos ang upo ko at sinuklay ang buhok ko, tinaas ko rin ang glasses ko gamit ang index finger ko.

"Nililigawan mo na ba si Jana?" Tanong ni Maxine at ngumisi. Sinasabi ko na nga ba. Napalunok ako bago siya sagutin.

"Oo." I said comfortably and leaned on the sofa. Ginawa ko lang 'yon para hindi halatang hindi ako handa na ipagtapat iyon ngayon. Yes, I've been courting Jana but I didn't officially say that to her yet. Well, I didn't need to anymore because I said it already. Thanks, ha, Maxine.

I saw how Jana's eyes widened. Kumuha pa siya ng baso roon at ininom iyon agad. Nag-aya siyang sumayaw kaya nadivert ang attention namin doon. May naramdaman akong kung anomg kurot sa puso ko pero hindi ko na lang pinansin. Naiintindihan ko naman kung masyado na siyang nabibilisan sa nangyayari kaya hindi niya na maiproseso iyon. It's okay, I already told myself about this. I'll wait until she's ready. Hindi ko siya bibigyan ng mga malalaking regalo at kung ano pa man para hindi siya mapressure sa pagsagot sa'kin. I'll take it slow and see where it'll go.

Hinila ako ni Jana sa dance floor kaya naalala ko bigla noong unang beses niyang ginawa 'to sa'kin. It flashed before my eyes. The same effect happened when she turned around; bumagal uli ang ikot niya at parang natigil ang mundo ko. I bit my lip but smiled eventually. Ganoon pa rin ang epekto niya sa'kin, hindi pa rin nagbabago.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now